Chapter 4

306 3 0
                                    

Hindi ko namalayan na napahaba na pala ang tulog ko. Nakalimutan ko ring naka-uniform pa ako kaya agad akong bumangon.

Kumuha ako ng damit sa aking closet at nagbihis. Sandali akong pumunta ng banyo para magmumog at maghilamos.

Napagpasyahan kong mag-computer. Wala lang. Hindi naman yung palaging pagbabasa ng libro ang alam ko no. Except from books, laptops are also my friends. I usually read articles about science fictions e.

Pero parang gusto kong tingnan ang Facebook ko.

So I logged in to Facebook.

0 friend requests. 0 messages. 0 notifications.

Great. Just great. What do I expect? E yung profile picture ko nga, nakakapantaboy na ng mga profile viewers e. Ugh.

Yung usually likers ko nga ng pictures e sila Mama, Papa, at yung mga Tita at Tito ko. Ang supportive nila.

And my post are all about something boring for the others but really interesting stuff for me. :) I don't get their taste. -__-"

I scrolled down to my new speed and saw a picture of Cyrene. A selfie photo. Girls these days. -.-"

(Author's note: Nasa right side yung selfie picture ni Cyrene Jane Estrella.)

But she look so pretty. And guess what? 10,000+ likes! Yung photo lang na yun e 10,000+ likes na?! Woah! She's so famous pala talaga. And all the comments there are all compliments.

I click her profile. I saw 100,000 followed her. Wow. I didn't expect that she's also an internet hottie.

I scrolled down. Yea, I'm stalking. Naku-curious kasi ako e.

Halos lahat ng pictures niya e umaabot ng thousands ang likes. Grabe. They adore her so much.

I saw a picture of her while she's practicing their cheerdance. Wala siyang ka-make up make up nun pero you can see na sobrang ganda pa din niya. Kahit stolen shot e photogenic pa din siya.

I cicked the photo albums then the "Videos" button.

I clicked the first video. 1 week ago.

Play the video on the right side ------------>

(Authors note: Guys, hindi siya yung girl na bida dito sa story na to a? Yung nasa picture yung totoong bida ok? Kunyare kay Cyrene na boses yung kumakanta. Anyways, we don't own the video. It's Stephenie Gee. ♥.♥)

I was dumbfounded and my heart suddenly starts to beat fast when I saw her playing the piano while singing. Tumayo lahat ng balahibo ko. I don't know kung nagandahan lang talaga ako sa boses niya or... iba?

She sings very well. An angelic voice to be exact.

I didn't know na kumakanta pala siya. She never sang in our school before.

25,000 likes. Wow. At andaming nag-share. Puro positive comments ang nakikita ko.

She's very perfect.

Ano kayang pakiramdam kapag lahat mahal ka no? Perfect na ang life niya. No wonder maraming naiinggit sakanya.

Nakaramdam naman ako ng pagkalam ng aking sikmura at nakalimutan ko rin palang kumain kanina bago ako nakatulog. Pinatay ko na muna yung laptop ko.

Nagmadali akong bumaba sa kusina para hanapin si Nay Pering.

"Nay, gutom na ako. May pagkain na po ba?" Sabi ko habang kinakamot ko ang ulo ko.

Napansin kong walang tao sa kusina. Nasaan na ba si Nay Pering?

Pumunta ako sa sala at nagbakasakaling naroon siya pero wala.

Kaya tumungo ako sa labas at tinignan kung nandun siya. At doon ko nga siya nakita na kasalukuyang kumukuha ng mga sinampay.

Lumapit na ako at tinulungan siya sa pagkuha ng mga sinampay.

"Oh iho! gising ka na pala?" Nakangiti niyang sabi.

"Opo nay, medyo napahaba nga po eh." Sagot ko naman.

"Osya. Tara na't pumasok sa loob nang makakain na tayo." wika niya

Pagpasok namin sa bahay, dumerecho na kami ni Nay Pering sa kusina. Nagsimula na siyang magluto habang ako naman ay nakaupo lang habang pinapanood ko siya. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong magpaturo kay Nay Pering magluto dahil palagi lang akong nagbabasa ng libro sa kwarto ko.

Ilang sandali lang ay inihanda na ni Nay Pering ang pagkain sa aking harapan. Labis ang tuwa ko ng makita ko ang kanyang inihain..

Ginataang alimango. :D

"Wow! Mukang mapaparami nanaman ang kain ko nito!"Maligaya kong sabi. Natawa na lamang si Nay Pering.

Akmang uupo na si Nay Pering nang biglang tumunog ang door bell.

"May inaasahan ka bang bisita ngayon anak?" Takang tanong niya.

Nagtaka din ako at umiling sa tanong ni Nay Pering.

"Osya. Pagbubuksan ko muna iyon at ikaw ay kumain na." Sabi niya

"Wag na nay, ako na lang po." Ngiti kong sabi.

Lumakad na ako patungo sa main door namin.

Pagbukas ko ng gate bumungda ang muka ni Dominik na halos lampas sa tenga ang ngiti. Laking gulat ko ng makita ko ang mga kasama niya.

Hindi ko alam kung totoo ba ito or namamalikmata lang ako..

Bakit sila andito?

At bakit s-siya nandito?

When will you realize?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon