Author's note:
Hi, hello guys :DD Miss A here :D Ako yung silent author dito HAHHA! sorry ngayon lang nag update :D Btw Salamat po sa lahat ng sumusuporta nito :) We LOVE YOU GUYS :** From the Bottom of our heart <3 :"""">
Ms. A
Kinabukasan
Paano kaya kung ipagtapat ko na ang nararamdaman ko para kay Cyrene ?
Hmm yan ang nasa isip ko .....
pero alam ko naman na wala akong pag-asa sakanya.
Dahil ang tingin niya lang sa akin ay isang hamak na kaibigan niyang NERD.
Masakit man isipin pero yun ang katotohanan. </3
Ito ang mahirap pag nagkagusto ka sa iyong kaibigan hindi mo kayang ipagtapat ang iyong tunay na nararamdaman.
Dito na papasok ang salitang "MU" .
Hindi "Mutual Understanding" kundi "Mag isang Umiibig" o di kaya naman ang tinatawag nilang "One Sided Love" </3
Habang wala pa akong lakas ng loob upang ipag tapat ang aking nararamdaman para kay Cyrene
mas mabuti pa na mahalin ko na lang siya ng patago.
Kung ito lang ang tanging paraan para hindi mawala ang aming pag kakaibigan kung sakali mang
mag tapat ako sakanya.
Habang nag mumuni-muni ako bigla akong tinawag ni Nay Pering.
"Miguel, iho bumaba kana jan baka malate ka, Hala sige mag-ayos kana at lilinisan ko pa yang
mga sugat mo." Wika ni Nay Pering
"Sige po nay pa baba na po, sandali na lang." tugon ni miguel habang inaayos ang kanyang gamit sa bag.
Habang bumababa si Miguel ng hagdan hindi pa rin niya maalis sa kanyang isipan ang mga nangyari kahapon.
Habang iniisip niya ang mga oras na mag kasama sila ni cyrene bigla na lamang ito napapangiti na tila nababaliw na.
Pagkababa niya kumain na agad siya ng almusal. Nalinisan na rin ni nay Pering ang kanyang mga
sugat na natamo dahil sa pagkakabugbog sakanya ni Sky.
"Iho,tapos ka na ba?" wika ni Nay Pering
"Opo, nay paki tawag na lang po si mang eli para maihatid na ako sa school" tugon ni miguel
"Sige iho, antayin mo na lang tatawagin ko na" wika ni nay pering
Nakarating na si Miguel sa kanilang paaralan. Habang siya ay naglalakad sa hallway biglang
niyang nakasalubong si Cyrene.
"Good morning :)" bati ni Cyrene na may kasamang matamis na ngiti
"Good morning din Cyrene" tugon ni Miguel. Sa isip niya nakumpleto na agad ang kanyang araw
ng dahil kay Cyrene. Bigla namang nag salita ulit si Cyrene.
"Btw huwag mo kalimutan panuorin yung sayaw namin ah." Paalala ni Cyrene kay Miguel.
"Oo, naman cyrene. Ikaw pa malakas ka sakin eh." Tila pabirong tugon ni miguel kay Cyrene.
BINABASA MO ANG
When will you realize?
Teen FictionA nerd boy "Miguel Dustine Evans" is just a NOBODY in a very famous Academy suddenly encounters the Ms. Popular who is the head cheerleader and also the president of SC (Student Council) "Cyrene Jane Estrella". Are they compatible? Is it true that O...