Miguel's POV
"Good morning!" bati ko sa kawalan.
Excited akong gumising ngayon dahil special to para sa akin. Di ko alam kung anong mangyayari mamaya pero sana umayon ang lahat sa plano.
Naghilamos ako saglit at nagmumog. Bumaba ako at hinanap si Nay Pering. Kasalukuyan siyang nagluluto ng umagahan.
Niyakap ko siya patalikod. "Good morning Nay!"
Medyo na gulat pa siya at hinarap ako.
"Mukang maganda ang gising ng alaga ko ah? Teka nga, bakit ang aga mo gumising? Ala singko pa lang ng umaga. Di ba sabi mo 9 pa pasok mo dahil intrams niyo?" nagtatakang tanong ni Nay Pering habang kumukuha ng upuan para umupo.
"May.. bibilhin po kasi ako mamaya. At maaga po akong papasok sa school." Medyo nahihiya kong sabi.
"Oh, anong bibilhin mo?" usisa niya
"Uhhm.. Basta po." nginitian ko na lang siya.
Ngumiti din si Nay Pering na para bang alam kung ano ang naiisip ko. Di na ako nagtataka, buong buhay ko si Nay Pering na kasama ko. Kilalang kilala na niya ako.
Umakyat muna ako sa kwarto ko at nag-ayos.
Pagbaba ko patapos ng magluto si Nay Pering at naghain na. Tinulungan ko na siya at sabay kaming kumain.
Maya maya pa'y nagpaalam na din ako sakanya.
Tinignan ko ang aking orasan. Tamang tama. Ala sais pa lang. Bukas na siguro yun.
Pagpasok ko sa kotse..
"Manong, sa flower shop po tayo."
"Osige po." sabi ni manong
Napatingin ako sa bintana at napangiti.
Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa flower shop.
"Manong saglit lang ako. Tapos derecho na po tayo ng school."
Tumango naman ito.
Pagpasok ko sa flower shop, unang pumukaw ng aking pansin ang mga tulips.
Nilapitan ko ito at hinawakan. Ang ganda.. Simple pero napakaganda.
"Good morning po sir. Maganda po yan ibigay sa girlfriend niyo." nakangiti niyang sabi
Nagulat ako. Bigla biglang sumusulpot si ate. -_-
"Naku hindi po! Wala po akong girlfriend." depensa ko. Feeling ko namumula na ako!
Ngumiti siya. "Eh para kanino po ba?"
"Para sa napaka-espesyal na babae." nakangiti kong sabi habang hawak hawak ang tulips.
"Naku sir! Tamang tama po ang tulips dyan. Alam niyo po bang ang tulips ang sumisimbolo sa perfect love?" sabi niya
"Talaga po?"
"Opo. Search niyo pa po sa google." sabay tawa niya. Medyo joker din pala to si ate. -_-"
Pagtapos niyang tawanan ang sarili niyang joke, nagsalita uli siya. "Seryoso na sir. Ang bawat kulay po kasi ng tulips ay may iba't ibang meaning.. May mensaheng dala."
Napatingin ako sa mga tulips. Meaning? Message?
"Eto pong pulang tulips.. ang ibigsabihin po niyan.. Believe me and a declaration of love."
BINABASA MO ANG
When will you realize?
Teen FictionA nerd boy "Miguel Dustine Evans" is just a NOBODY in a very famous Academy suddenly encounters the Ms. Popular who is the head cheerleader and also the president of SC (Student Council) "Cyrene Jane Estrella". Are they compatible? Is it true that O...