"OOOH MY GOOOSH!" sabay naming sigaw ni Chloe..
Papaanong nangyare to?
Sino ang gagawa ng ganto sa amin?
Ba-bakit?
"GO TO HELL LOOSERS"
yan lang naman ang naka sulat sa ding ding, at sa salamin naming mga dancers.
At hindi lang yan....
Nagkalat din ang lahat ng gamit namin, mga props at ang mga costumes namin.
At ang pinaka dumurog sa puso ko ay iyong pagkakasira ng mga trophies namin.
Walang awa nilang sinira ang mga trophy na pinaghirapan namin ng ilang taon..
"Cyyy. Who the hell could do this to us? I mean hooow? Why? Paano sila nakapasok?" si Chloe na nanglulumo din..
"I don't know! I don't knooow Chloe.." Sobrang nanghihina ako. Hindi ko inaakalang mangyayare ito. Parang kanina lang ang saya saya naming lahat tapos ngayon ito ang maaabutan namin.
Bigla akong nanghina at napaupo na lang sa isang tabi..
'
"Tr-trixia. Please ca.. Please call Coach.." nanghihinang utos ko kay Trixia. Isa din sa mga ka-member ko..
"Sige po ate Cyrene.." at tumakbo na siya palabas..
Hindi ko talaga matanggap yung nangyare.
Papaanong nangyare ito..
Una sa lahat wala naman kaming nakakaaway. Wala pang nakakaaway ang grupo ko dahil lagi ko silang pinagsasabihan.
Ang tagal na ng grupo namin. Simula Grade School pa lang ay kasama ko na sila, may mga i-ilan lang na nadagdag..
Pero wala pa kaming na-eencounter na kaaway.
At wala pa kaming inaaway. At hinding hindi kami magsisimula ng away.
Yan ang lagi kong pinapaalala sa kanila.
Wag na wag silang papatol kung may mga taong naninira sa grupo namin.
Tapos ito na lang ang mangyayare?
Hindi ko na napigilang mapaluha..
"Cyyy, Drink this. " Abot na tubig sa akin ni Ohwie.
Pagkatapos kong uminom ng tubig, pumunta ako sa harap ng mga grupo na nanlulumo dahil sa nangyari.
"Guys, linisin na lang natin to. Ire-report na lang namin to sa Dean."
Kumilos naman agad sila ang nagsimula ng maglinis at mag ayusin.
Palaisipan pa din sa akin kung sino ang gumawa nito.
"Anong nangyari dito?!" gulat na sabi ni coach
"Pagkadating namin ganyan na yung naabutan namin e. I'm so sure na nni-lock ko yung pinto pagkaalis namin." malungkot kong sabi.
"Hayaan niyo na, ire-report ko na lang to. At mananagot ang gumawa nito." Mariin na sabi ni coach.
Pagkatapos namin mag ayos sa dressing room, pinauwi ko na ang grupo. Pinauna ko na rin si Ohwie, gusto ko kasi muna mapag isa.
Mag-aalas otso na nung tinignan ko ang orasan sa lobby ng school.
Naiisipan kong pumunta sa locker ko para ilagay ang mga gamit ko.
BINABASA MO ANG
When will you realize?
Teen FictionA nerd boy "Miguel Dustine Evans" is just a NOBODY in a very famous Academy suddenly encounters the Ms. Popular who is the head cheerleader and also the president of SC (Student Council) "Cyrene Jane Estrella". Are they compatible? Is it true that O...