Chapter 1

13.4K 271 32
                                    


A month later...

Res’ POV

ILANG sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang magkakaibigan habang pinagmamasdan ang nakahigang si Ereneya.

She’s breathing normally. Her fingers moved. Ilang sandali pa ay dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata. Her eyes were fixed in the ceiling for a moment.

Nang mapansing may kasama ito sa loob ng silid ay lumipat ang tingin nito sa amin at biglang napabangon. Nanlalaki ang mga matang pinasadahan kami ng tingin.

“Sino kayo?” halos pumiyok na bulalas nito.

Agad itong nilapitan ni Jus at hinawakan sa kamay. Napako ang tingin ko sa magkahawak nilang mga kamay and I feel something strange towards my best friend. Something akin to...jealousy.

“Hey, you don’t need to shout. We won’t hurt you,” malumanay na sabi ni Jus na nakaupo na sa tabi nito.

Mas lalong nadagdagan ang pagkalito at pagkatakot sa mukha ni Ereneya.

I cleared my throat at nilapitan si Jus. “Ang sabi ng kanilang Arayu ay walang maalala si Ereneya. Her memory was lost kasabay nang pagkabuhay sa kaniya. Ang lahat ng nalalaman niya sa Orsiana at natutunan dito sa mundo natin ay kasamang nawala,” bulong ko kay Justin.

“Oh, I see,” sagot nito at marahang tumango-tango.

Hinarap uli nito si Ereneya. “Huwag kang matakot. Hindi ka namin sasaktan,” sabi ni Jus at ngumiti rito.

“Sino ka?” She asked. Fear was written all over her face. Umisod pa ito ng kaunti palayo kay Jus.

“Ako si Justin, Ereneya. They call me Jus, and these are my friends,” sabi nito at tumayo sa gilid ng kama ni Ereneya.

“Ereneya...” usal nito na tila ba pati ang kaniyang pangalan ay estranghero sa kaniya. “Ereneya ba ang pangalan ko?”

Tumango si Jus. “Oo.”

“Hi, Ereneya. Ako si Francis,” agaw ni Francis sa pagkalito ni Ereneya. Francis just raised his hand face-level and smiled at her. Hindi ito umalis mula sa pagkakatayo sa tabi ni Karl.

Lumapit naman si Karl at inilahad ang nakabukas na palad kay Ereneya. “Hi, I’m Karl but you can call me baby-” sinulyapan ako nito at tiningnan ko siya nang masama. “Just call me, Karl,” sabi nito sabay tawa ng peke.

She hesitated to reach for his hand ngunit si Karl na mismo ang kumuha ng palad ni Ereneya at nilagay sa palad nito para makipagkamay. “That’s how it is. Okay?” He continued.

Napailing na lamang na sumunod na nagpakilala si Jim. “Ako si Jim. The handsomest and nicest of them all.”

Napakunot ang noo ni Ereneya. “Anong sinabi mo?”

“Walang kabuluhan ang sinabi niya, Ereneya,” ani Win at hinila si Jim palayo kay Ereneya at lumapit sa dalaga. “Ako si Win, ang iyong lingkod. Don’t ever forget my name, Darling,” He introduced. Kinuha nito ang palad ni Ereneya at hinalikan ang likod niyon na ikinagulat ni Ereneya. It had me gritting my teeth.

Napasipol naman si Jim in the tune of Lovers Moon.

Tumikhim si Jus at nahagip ng mata ko ang pagsenyas nito kay Win na bitawan ang kamay ni Ereneya. Agad naman itong lumayo at bumalik sa dating kinatatayuan.

Natuon ang atensyon sa akin ni Ereneya pati na rin ng mga kaibigan ko. Silence fell for a moment.

Nang magtama ang mga mata namin ni Ereneya ay bumalik sa isip ko ang mga nangyari. That night when we were looking for Zea and Zyl, fought the intruders side by side. That night when she saved my life and I saved hers too but we’re both too proud to admit that we care for each other. That night when I rode on her back at ang mga palitan ng mga maaanghang na salita. Ang mga pag-irap nito at ang mga sagutang away ang kinahinatnan. The memory of her still fresh in my memory. The face of the old Ereneya. The strong and brave Ereneya.

THIRD EYE IV: Ereneya (Pag-ibig Hanggang Wakas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon