8. Ella and Nathan

106K 2.3K 119
                                    

"Good morning, Nathan! Gusto mo ng kape?" 

Nathan smiled when he saw Ate Belen -- Ella's yaya at the kitchen cooking some breakfast. Maaga siyang nagising at hindi niya alam kung bakit. Siguro ay sadyang hindi na sanay ang katawan niya na nagpapatangahali sa kama. He woke up on the bed alone. Unlike what he had in mind, Ella didn't sleep on the bed last night. Mas pinili pa nitong matulog sa kwarto ng Mommy niya kaysa sa sarili nitong silid. She said that she misses her mommy and that she wanted to spend time with her pero sa totoo, alam na alam niyang iniiwasan lamang siya nito. 

"Morning po. Si Ella?" Magalang na tanong niya dito. Ngumiti ito sa kanya. 

"Kay aga-aga si Ella ang gustong kainin." 

"Ano po?" naguguluhang tanong niya. 

"Sabi ko nasa tindahan na si Ellang Pangit. Puntahan mo na lang." Nakangiting wika sa kanya nito. Nagpasalamat siya at saka tinungo ang daan patungo sa kabilang bahay kung nasaan ang tindahan ng mga ito. He saw many people hanging around the store. Mukhang may pinagkakaguluhan ang mga ito. Kunot-noong pumasok siya sa loob. He was trying to look for what the 'tambays' were looking at. Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita niya si Ella na may kinukwelyuhang lalaking mas matangkad pa kaysa dito. 

"Huwag kang choosy kasi ang pangit mo naman!" 

"Go maam! Upakan na iyan o!" Sigaw pa ng mga tambay sa tindahan. 

"Anong nangyayari?" Naguguluhang tanong niya. Agad na binalingan siya ni Ella ng tingin. Lalong kumunot ang noo niya nang makita niyang namumutla ang labi nito. He looked at the man in front of Ella. "What happened?"

Before he knew it, Ella had punched the man right on his face. Nagpalakpakan ang mga tambay sa paligid nilya. 

"Anong nangyari?! Jeez, Ella!"

"Eh iyan eh! Hinipuan ako!" Mangiyak-ngiyak na wika ni Ella habang nakatingin sa kanya. 

"Hindi kita hinipuan! Ikaw iyong nagbigay ng motibo!" ganting sigaw ng lalaking nagdurugo na ang ilong. Nagpantig ang kanyang mga tainga. He glared at the man who was still standing in front of them. Dinuro nito si Ella. "Hindi naman kita hihipuan kung hindi ka nagpapa-cute sa akin!"

"Hoy mamang sorbeterong mukhang akyat bahay! Chura mo lang ha!" Sigaw ni Ella sa mama. He stood beside her. Kitang-kita niya ang panginginig nito. Halos namumula na rin ang ilong nito, tanda na malapit na itong maiyak. 

"Pakipot ka pa kasi, Miss! Akala mo maganda ka pasalamat ka nga hinipo ko iyang b---"

Hindi na nakapagsalit ang lalaki. Hindi na niya hinayaan pang tapusin nito ang sasabihin. He punched the man right on the nose. He made sure that his nose will be broken. Hindi pa siya natuwa. Tumayo muli ang lalaki, muli niya itong sinuntok. Matapos iyon ay kinuwelyuhan niya ito at saka sinipa sa pagitan ng hita nito. Namalipit sa sakit ang lalaki. Hindi pa rin siya natuwa, he kicked the man. He also made sure that the ribs will be broken. Muli niyang pinatikim ng suntok ito sa mukha. Hindi pa sana siya titigil but then, Ella embraced him from the back. 

"Nathan! Tama na, please!" Nanginginig ang tinig na pakiusap nito. He was dumbfounded. 

"Get the fuck out of this place!" He hissed at the man. Hirap man itong tumayo ay agad naman itong nagmadali sa pagbangon. Natahimik naman ang lahat sa napanood. Isa-isang nagsi-alisan ang mga tambay sa tindahan. Finally Ella and him were alone. Hindi pa rin siya binibitiwan nito. He could hear her soft sobs. She was crying. He could feel her body trembling with fear. Hinawakan niya ang mga kamay nito na nakapalupot sa katawan niya.

The random right oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon