22. A big reveal

106K 2.4K 213
                                    

 "Anong instrument mo?" 

Ella waited for Nathan to answer her. Kasalukuyan silang kumakain nang hapong iyon. They just got home from another "pasyal moment." Napapangiti siya, halos isang linggo na sila ni Nathan sa bahay nito sa Tagaytay at mukhang wala pa rin itong balak bumalik. She was really happy because she gets to know this version of Nathan that she thought never existed. Kumokota talaga siya sa kilig tuwing gumagawa ito ng sweetr moment para sa kanilang dalawa. He will kiss here from now and then, and the fact na hindi siya naiilang makes her think that she's really in love with him. Napabuntong hininga siya, kung nandito lang talaga ang little pink notebook niya, sana nalagyan na niya ng marks ang mga bagay na nasa To Do list niya. 

Hindi niya alam kung bakit, pero sa loob ng isang linggong nag-stay sila ni Nathan sa lugar na iyon ay nagawa na niya ang halos kalahati sa To Do list na nawala naman sa kanya. It was as if Nathan was making her dreams come true. Last night, they did something dangerous, nag-zip line silang dalawa and she was really scared dahil bukod sa madilim na ay hindi niya ba nakikita ang ibaba. Pero nang itulak na sila ng helpers ay ganoon na lang ang adrenaline niya. Nalibang siya sa mga ilaw na nakita niya sa paligid, and maybe it was also because of the fact that Nathan never let go of her hand. 

"Piano. I used to play the piano, minsan base, minsan guitars pero sa band, I was the keyboardist." nakangiting wika nito matapos uminom ng tubig. She stared at him. She wondered kung anong tumatakbo sa isipan nito habang nakatingin rin ito sa kanya. She also wondered kung ayaw na ba nitong tuparin ang pangarap nito kasama ang mga kaibigan nito. 

"Ayaw mo na bang subukan?" wika niya. "You know, nagawa mo naman na ang gusto ng daddy mo, you've followed his steps and you're a very succesful doctor, maybe it's time for you to go after what you really want."

He just smiled. 

"Isa lang naman talaga ang gusto ko sa buhay, Ella." 

Kumunot ang noo niya. Nathan's eyes became dreamy. Inisip niyang maigi kung ano ang sinasabi nitong gusto talaga nito. Then by just looking at him, she realized what he really wanted, and hindi iyon what kundi who. 

It was Alcina. 

He still wanted Alcina. 

Napangiwi siya. 

That kinda hurts. 

"Bakit ganoon? Ginugusto at minamahal natin ang mga bagay na hindi natin pwedeng makuha. Lagi na lang natin sinusubukan ang imposible. Madalas nating pahirapan ang ating mga sarili samantalang may mga bagay na pwedeng iyon na lang ang gustuhin at mahalin natin. We always wish for the impossible to happen... Kaya siguro madalas tayong umuuwing luhaan."

"You and your smart mouth again." nakangiting sabi ni Nathan. Napapailing pa ito. Napabuntong hininga na lang siya. Nasasaktan siya kahit alam niya na sa huli ng lahat ng ito, ay si Alcina pa rin ang gustong makasama ni Nathan. Kahit anong mangyari ay naka-program pa rin ang isip nito na si Alcina ang makakasama nito sa huli. 

Hay... 

"Okay ka lang ba?" Nathan asked her. She just smiled. Kinuha na niya ang pinagkainan nito at saka inilagay sa lababo. Parang gusto niyang maiyak sa sakit. She never understood how someone can love somebody this much it hurts. Paano kaya sila naka-survive at paano kaya nila nalagpasan ang katotohanan na kahit gaano ka magmahal ng isang tao ay masasaktan at masasaktan ka pa rin sa huli.

Tulad ngayon, nasasaktan siya. 

"Ella...."

"Okay lang ako." sabi niya kahit nag-iinit na ang kanyang mga mata at kahit na anong oras mula ngayon ay tutulo na ang mga luha niya. She never wanted Nathan to see her cry. She only wanted him to remember her smiling and happy and strong and... healthy. 

The random right oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon