"Marry me, Ella."
Ella's eyes widened with disbelief. Anong sinasabi ni Nathan? Ang bilis namang nagbago ng usapan nila nito. One moment they were talking about Alcina and now he was asking him to marry her. That escalated quickly!
"Teka, kanina girlfriend mo lang ako, ngayon inaalok mo na ako ng kasal! What the hell?"
Tumayo siya at saka iniwan ito. Naglakad siya palayo kay Nathan. Hindi siya makapaniwala sa tinatakbo ng usapan nila. Nathan wanted to marry her, for what? Gusto nitong makita ng babaeng iyon na hindi ito apektado sa nangyari sa kanila. He wanted Alcina to see that he had moved on. Hindi man nito sabihin iyon ay alam naman niyang iyon ang motibo nito sa pag-aaya sa kanya. Hindi naman siya tanga.
Suddenly, she stopped walking. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Her heart was beating fast again. And it was all because of Nathan. Was that a good thing?
"Ella." Tinawag siya nito. Hindi siya kumibo. "Akala ko ba gusto mo akong tulungan?"
"Oo. Pero hindi sa ganitong paraan! Ano, papakasalan mo ako para makita niya na okay ka? Isn't that plasticity? Kung hindi ka okay, hindi ka okay. Kung nakakaiyak ang sitwasyon, umiyak ka, hindi iyong para kang tuod diyan na nagpapanggap na malakas!"
"I'm tired pretending to be strong. I need this."
"For what?" Naguluhan siya. Para saan ang mga sinasabi nito?
"This is me fighting for what we have----"
"What you HAD." Pagtatama niya. "Tapos na kayo!"
"We're not over yet. Not for me. I'm going to fight for her."
"Tanga ka!" iyon lang ang nasabi niya rito. "Stupid son of a bitch!" Gusto sana niya itong sampalin pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Bakit ba may mga taong ganito? Hindi marunong magpahalaga sa kung anong meron sila. Mas napapansin pa nila ang mga bagay na kahit kailan ay alam nilang hindi nila makukuha. She would kill to be in Nathan's place -- a famous person who could buy any luxuries in the world-- makukuntento na sita doon, pero mukhang ito ay hindi.
"I'm only stupid because I'm in love."
"Kung magpapakatanga ka, ikaw na lang. Dadamay mo pa ako!"
Muli siyang tumalikod. Inis na inis siya dito. How could he do that to himself? Magpakatanga para sa isang taong walang pakilam. Sa tingin talaga niya ay walang pakialam ang Alcina na iyon kay Nathan. Tanga lang talaga si Nathan. Kung mahal siya ni Alcina, noon pa lang ay siya na ang pinili nito. Hindi niya alam kung anong istorya ng dalawa at wala na siyang balak alamin pa iyon kaya lang hindi naman niya maiwasang mainis kay Nathan. Ang tanga-tanga kasi nito!
"Where are you going?" Nathan asked her.
"Uuwi na ako!" sigaw niya dito.
"Ella, think about what I asked you."
Hinarap niya ito. Mataman niya itong tinitigan. Inis na inis siya rito.
"Hindi ako magpapakasal sa'yo. Tanga!"
She had the satisfaction she was looking for when she saw the look on Nathan's face. Dammit! That look was priceless. And being the dramatic Ella as she was that day -- and every other day of her life, she turned her back on him and she never looked back.
=======================
Ella was staring out the window. It was a rainy Saturday. Wala siyang gaanong magawa. Maaga kasi siyang nagising nang araw na iyon at nagawa na niya halos lahat ng trabago sa bahay. Hindi naman gaanong marami iyon, kinailangan niya lang magluto, maglinis ng bahay at mamalantsa ng mga uniporme ng kanyang mga pamangkin. She sighed. Sa tinagal ng paglagi niya sa Maynila ay nagawa na niya ang halos kalahati ng TO DO LIST niya, iilan na lang ang natitira.
BINABASA MO ANG
The random right one
RomanceMarcela Guanzon had one thing in mind; she wanted to complete her to do list. But that thing changed when a conceited Brain Surgeon named Nathaniel Varres entered her life. Things got out of hand and she just found herself in a very compromising sit...