9. Her To Do's

100K 2.2K 56
                                    

Ella recived the contract Nathan's lawyer drafted the moment they got back to the metro. She spent two day reading that thing at hindi niya alam kung ipagpapasalamat niya ba ang mga consedarations na nakalagay sa kontrata nila. She was biting her lip was she scan the contract.

The parties should agree as follows:

1. The following are the terms and conditions between Mr. Varres and Ms. Guanzon. 

2. The purpose of this contract is to bind Mr. Varres and Ms. Guanzon in their agreement of marriage.

3. The moment any of the conditions were bridged, the contract will become invalid. 

--

1.1 The moment Ms. Guanzon marries Mr. Varres, she'll be provided by everything Mr. Varres has. 

1.2. Ms. Guanzon shall be known as Mrs. Varres as long as she is with Mr. Varres.

1.3 Ms. Guanzon will act as Mr. Varres wife in public: Holding hands, embracing, kissing and the likes will be included; if in public. 

1.4 The two shall share a bedroom together; given the condition of Ms. Guanzon.

1.5. Mr. Varres agrees and promised that he will never do anything Ms. Guanzon isn't ready for. 

-------

"Anong gusto niyang palabasin sa article 1.5 na ito?" bulong niya matapos niyang mabasa iyon. Napalunok siya. Dapat ba siyang matuwa? Was Nathan being a gentleman? Ibig bang sabihin nito ay hindi siya dapat matakot dahil hindi siya nito aaying mag-ano?

"Hiiii!" Kinilabutan siya sa nagiging takbo ng kanyang isip. Kahit talaga kailan ay salaula siya at kahit yata kailan ay hindi na maalis sa utak niya ang nakita niyang eksena noong unang beses niyang maka-engkwentro si Nathaniel Varres. 

"Nakakadiri ako! Yuck!" Impit na sigaw niya. Nasa kusina siya noon at nagluluto. Ang buong akala niya ay siya lang ang nasa bahay kaya't ganoon na lamang ang gulat niya nang makita niya si Lj na nakatayo sa may ref at nakatingin sa kanya. 

"Ta, okay ka lang?" pigil ang tawang tanong nito. She made a face./

"Oo. May langgam." Pasimpleng sagot niya at saka muling naupo. Ibinalik niya sa envelope ang kontrata at saka binalingan si Lj. 

"Wala ka ng pasok?" tanong niya. 

"Wala na, Ta. Nauna na ako kina Ron, magre-review pa kasi ako. Oo nga pala..." wika nito matapos uminom ng tubig. Hinarap siya nito at saka ngumiti. "nakita ko si Kuya Nathan sa may campus."

Hearing Nathan's name made her tremble. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam talaga siya ng panginginig, lalong lumalakas ang pangnginig na iyon sa tuwing maiisip niya ang ngiti nito. 

"Eh ano naman?" maaskad na sabi niya. Lj shrugged. 

"Baka lang gusto mong malaman kasi diba, boyfriend mo siya tapos may kasama siyang babae."

Napatingin siya kay Lj. Seryoso ba ito? May kasamang babae si Nathan? Hindi pa nga ito kasal sa kanya ay nagloloko na ito? Anong karapatan nito? Seriously, he was already cheating on him. 

Bigla ay natigilan siya sa pag-iisip. Why would she think that way? Kung tutuusin ay wala naman silang relasyon ni Nathan kaya bakit niya iisipin na niloloko siya nito? Bakit nakakaramdam siya ng nakakainis na feeling? Hindi dapat, kunwari lang naman ang lahat ng meron sila. 

"Ahh, baka ate niya," kalmadong wika niya kay Lj. Nagulat siya nang biglang hampasin ni Lj ang mesa. 

"Ate? May ate bang kinikiss sa lips, Ta?" Tila inis na inis na sabi nito. Nanlaki ang mga mata niya. Ngayon niya lamang nakitang nagalit nang ganoon ang pamangkin niya. "Uupakan na nga sana namin ng mga barkada ko eh, pasalamat siya at iniisip kita." 

The random right oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon