25. Heartfelt

114K 2.3K 109
                                    

"Are you awake?"

Ella didn't answer Nathan. Hindi siya nagsasalita. It's been hours since she heard him say the words na akala niya ay sa panaginip lang niya maririnig mula dito pero hindi, narinig niya talaga. He said those words in front of his friends. Bigla ay napahikbi siya. 

"Ella, masama sa'yo ang umiyak." Naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang balikat. Lalo siyang napahikbi. Bakit ngayon pa nito sinabi ang mga salitang iyon? Bakit ngayon pa kung kailan huli na ang lahat. If nathan had told her those words a week ago, malamang ay magtatalon siya sa tuwa, pero bakit ngayon pa kung kailan bilang na bilang na ang mga araw niya. 

"Ella please stop crying." wika nito na tila nagmamakaawa na. Bigla siyang tumayo mula sa pagkakahiga. Inalalayan siya ni Nathan. 

"Ella please." 

"S-sana.. s-sana hindi mo na lang sinabi..." mahinang wika niya. Napailing si Nathan. 

"Ayaw mo bang marinig? Mahal kita. Akala ko ba mahal mo ako? Diba dapat masaya ka?"

Napasinghap siya. 

"H-huli na kasi eh..." umiiyak pa rin na sabi niya. Tiningnan niya si Nathan. "P-paano si Alcina? Iyong magiging anak ninyo?"

"She lied to me." he said. "Sabi mo noon, kung mahal natin ang isang tao hindi tayo magsisinungaling sa kanya. She lied to me, hindi niya ako mahal." 

"Matagal ko naman nang sinasabi iyon sa'yo." 

"Sorry, I was blinded by what I felt or what I think I felt for her. But what important is, I love you.." 

"Hindi pwede, Nathan..." giit niya. Mahal nga siya ni Nathan pero mamamatay naman siya ano na lang ang mangyayari sa kanya? Dapat ay hindi na nito sinabi pa ang bagay na iyon. Sana ay sinarili na lang ni Nathan ang nararamdaman nito. Kung talagang mahal siya nito, dapat ay hindi na lang nito pinaalam. Mas masakit ngayon ang mga pangyayari dahil alam niyang may maiiwan siya. Napasinghap siya. 

"I won't let you die, Ella." naulinigan niyang sabi nito. Hindi na siya kumibo. She had known all along kung anong mangyayari sa kanya, tanggap na niya iyon but Nathan entered her life and he changed her game. Ngayon ay hindi na niya alam kung anong mangyayari.

Naramdaman na lang niya na parang lumundo ang kanyang kama. The next thing she knew Nathan was beside her, cuddling her, showering her with butterfly kisses. Lalo siyang napaiyak. May panghihinayangan na siya ngayon. 

"I will not let you die. Hindi mo ako iiwan." bulong nito. "This is not A walk to remember, Ella. You won't die and I won't end up alone. We will have a happy ending." 

A happy ending. 

She faced him. He was smiling at her. Pnahid nito ang mga luhang nag-uunahang bumagsak sa kanyang pisngi. 

"Mula yata nang makilala mo ako, wala ka ng ginawa kundi umiyak." malungkot na wika niya. He sighed. "I'm such an asshole." 

"Yes you are..." she said. Nathan sighed again. "But you are my asshole so..." 

"Sira ka talaga..." hinaplos nito ang kanyang mukha. 

"Naiinis ako sa'yo..."

"Kunwari ka pa, kinikilig ka rin naman..." tudyo sa kanya ni Nathan. Finally she smiled. 

"Hindi kaya..." pinindot niya ang ilong nito. She was having a hard time believing that fact that he fell in love with her too. Ganoon nga yata talaga, love and death are the same -- they both come like a thief in the middle of the night and will steal the most important thing in one person's life -- that is the heart. 

The random right oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon