Ella was eyeing Nathan while he was talking to her Aunt. Hindi siya makapaniwala kung gaano kabilis nakuha ni Nathan ang tiwala ng Mommy niya. They had known each other just for hours tapos ay kung makaakto na ito ay parang parte na ito ng kanyang pamilya. She made a face when she saw Nathan tapped her Mommy's shoulder.
"Feeling close..." Nakangusong bulong niya. Nabigla siya nang may kumurot sa kanyang singit. "Aray!"
"Maharot ka! Nag-uwi ka talaga ng lalaki dito?!" Pinanlakihan siya ng mga mata ng kanyang Yaya Belen. Siguro ay masyado niyang iniirapan si Nathan kung kaya't hindi niya napansin na papalapit na pala sa kanya ang Yaya Belen niya.
"Yaya naman eh, masakit kaya!" Daing niya. PInamaywangan siya ng kanyang Yaya at saka muling kinurot.
"Boyfriend mo iyan?" Muling tanong nito. Napapadyak siya.
"Bakit ba ang hirap paniwalaan na boyfriend ko siya?" Padaskol na tanong niya. Hinarap nito ang direksyon ni Nathan na animo ay kinakaliskisan ang huli.
"Ang gwapo eh.."
"So kapag gwapo hindi na pwedeng maging boyfriend ko?"
"Eh kung si Albert ang pagbabasehan, mas gwapo nga itong Nathan.."
Her lips parted when she heard that name. She breathed out sharply. Hanggang ngayon ay may kung anong epekto pa rin sa kanya ang pagbanggit sa pangalang iyon. Napalunok siya at saka tumingin sa kanyang Yaya Belen.
"Yaya talaga..." she smiled at her. Alam niyang alam nito kung ano at para saan ang sinabi niya. Tahimik na tinalikuran na lamang niya ito at saka naglakad palabas ng tindahan nila. She went to the main house upang pumasok sa kanyang silid. She sat on her bed and sighed deeply.
Albert.
Automatically her memory went to that time when she was still with Albert. Ayaw na sana niyang maalala ito pero sa tuwing maririnig niya ito ay parang gusto na naman niyang maiyak ngunit alam niya sa kanyang sarili na sa oras na pumatak ang kanyang mga luha ay hindi na naman titigil iyon. Matagal na siyang hindi umiiyak. Ni hindi na nga niya matandaan ang huling beses na pumatak ang kanyang mga luha. She cried when her mother took that long time trip, that was the first, the second one was when she decided that it was time to let Albert go. Ni hindi siya umiyak nang malalaman niya na ---
Bumalik sa reyalidad ang pag-iisip niya nang marinig niya ang marahang pagkatok sa kanyang pintuan. She immediately stood up and opened the door. Nakita niya si Nathan na nakatayo roon. Bigla ay hinatak niya ito papasok ng kanyang silid.
"Did you see how my family reacted with your lie?!!" she hissed at him. To her surprise, Nathan smiled at her. He had the guts to smile at her! Ang kapal naman ng mukha ng lalaking ito.
"I like your mom." nakangiting sabi nito. "Such a sweet lady."
"If you like her then dapat hindi ka nagsinungaling sa kanya!" Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Nathan shook his head.
"It's just a little lie, Ella. Hindi naman nakakamatay."
"Pero nakakasira ng pagtitiwala." agaw niya sa sasabihin nito. Nathan eyed her.
"Why are you acting this way? What do you have against lying?"
"Lying is bad, Nathan!"
"Pero ginagawa iyon ng lahat ng tao."
"Hindi ko alam iyon, basta ang alam ko lang kung mahal mo ang tao, hindi ka magsisinungaling sa kanila. Lying ruins relationships, Nathan. Friendship could be the foundation of every relationship, but a relationship that started out with lying will soon become messy. Iyon ang nangyayari sa relasyon mo kay Alcina kasi nagsisinungaling na kayo, nakakasakit pa kayo ng ibang tao."
BINABASA MO ANG
The random right one
RomanceMarcela Guanzon had one thing in mind; she wanted to complete her to do list. But that thing changed when a conceited Brain Surgeon named Nathaniel Varres entered her life. Things got out of hand and she just found herself in a very compromising sit...