"Dito na lang ako, kuya."
Inihinto ng taxi driver ang sasakyan. Ella took a deep breathe before getting out of the cab. Malabo ang mga bagay sa buhay niya ngayon. She could feel her need of staying with Nathan, she wanted to make her last three months with him wortwhile, pero hindi na ganoon kadali ang mga bagay ngayon. May ibang tao na siyang dapat isipin, may ibang mga bagay na siyang dapat isaalang-alang.
She went inside the coffee shop. Namataan niya ang taong alam niyang ayaw rin siyang makita. Kung hindi dahil kay Nathan ay tiyak na hindi ito papayag na makipagkita sa kanya. Agad niyang nilapitan ito.
"Alcina..."
Alcina glared at her. Napalunok siya, hindi dahil sa natatakot siya dito, napalunok siya dahil nakakaramdam na naman siya ng sakit sa kanyang dibdib. Naroon na naman ang hapdi, ang kirot na dapat sana ay wala.
"What do you want? What is it that you need to tell me?" mataray na wika nito.. Nakataas pa ang kilay nito habang nakatitig sa kanya. She sat on the chair in front of her and tried to gave her a smile.
"Don't smile at me, bitch." gigil na wika nito. Alcina took out a stick of cigarratte. Sinindihan nito iyon at saka hinithit. Nanlaki ang mga mata niya, kinuha iyon dito at saka idinudot sa tissue paper.
"What the fuck?!" she yelled at her.
"Masama sa baby iyong yosi. Baka magkaroon siya ng sakit pag labas niya." mahinang wika niya. Mukhang natigilan si Alcina. Nagkaroon ng ngiti sa mga labi nito.
"Right, I'm pregnant. Nathan told you?" there was sarcasm in her voice. "are you leaving him because of me?"
Huminga muna siya ng malalim at saka tiningnan ito.
"Hindi ko naman kailangan iwan si Nathan." mahinahong sagot niya dito. Agad na nawala ang ngiti nito sa labi.
"Ang kapal ng mukha mo, kakausapin mo ako para diyan?"
"Makinig ka muna." she said. "Wala naman akong dapat iwan dahil kahit kailan hindi naman naging akin si Nathan." may kung anong bumikig sa kanyang lalamunan. Tiningnan niya si Alcina at saka muling ngumiti. Alam niyang hindi dapat niya pinapakitaan ng mabuti ang babaeng ito, alam niyang dapat siyang magalit dito pero hindi pwede, mahal ni Nathan ang babaeng ito, martir man pakinggan, pero hindi niya kayang magalit sa taong mahal ni Nathaniel.
"Lahat ng ito, ginawa ni Nathan para sa'yo. Mahal ka niya. Nasaktan siya noong iwan mo siya dahil pinili mo ang asawa mo. Ilang beses ko na siyang sinabihan ng tanga, hambog, bobo o kung anu-ano pa, pero walang epekto. Mahal ka niya, Alcina."
Sa lahat ng sinabi niya ay nakatingin lang sa kanya si Alcina. Bahagyang naka-awang ang labi nito na tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya.
"So, ginamit ka lang ni Nathan at nagpagamit ka naman?"
Masakit marinig ang katotohanan. Gusto niyang takpan ang kanyang tainga pero kahit anong gawin niya ay iyon naman talaga ang totoo.
Nathan used her but she still fell in love with him.
How pathetic could she be?
"G-ginamit niya lang ako." pag-amin niya dito. Alcina smiled widely.
"Iiwan mo na si Nathan?"
"Pipiliin mo na ba siya?"
"Buntis ako, Ella. Siya ang ama. Natural kailangan naming magsama."
"Mahal mo ba siya?" muling tanong niya dito. Alcina smirked at her.
"Akin siya, Ella. Wala ka nang magagawa doon."
Huminga siya ng malalim at saka nagbaling ng tingin sa iba. Three months to live.. three months left to make a lasting memory. Three more months to capture something for her to remember forever.
BINABASA MO ANG
The random right one
RomanceMarcela Guanzon had one thing in mind; she wanted to complete her to do list. But that thing changed when a conceited Brain Surgeon named Nathaniel Varres entered her life. Things got out of hand and she just found herself in a very compromising sit...