2. What's in a name?

135K 2.5K 128
                                    

Memories.

Ella wrote that on her little pink notebook. She smiled as she stared at the that. Mahalaga para sa kanya ang mga alaala. She had always believed that memories are the heart and the soul of one's brain at kung walang alaala ang isang tao, daig niya pa ang namatay o namatayan. She had always thought of making her memories last forever. Hindi man sa lahat ng nakakakilala sa kanya kundi sa mga taong nagpapahalaga sa kanya. Gusto niyang maaalala siya ng mga ito sa paraang alam niyang hinding-hindi siya makakalimutan. 

"Coffee pa?" nag-angat siya ng tingin nang marinig niya ang boses ng barista. She smiled at her and shook her head. Matapos iyon ay tumalikod ang babae. Kilala na yata siya sa coffee shop na iyon. Palagi kasi siyang nagpupunta roon kung sakaling gusto niyang mapag-isa. Hindi naman siya pumupunta roon para uminom ng kape. She orders coffee everyday but she never drinks it. She just like smelling the coffee. Just like today. She stared at her cup, ni hindi nabawasan iyon. Gusto lang talaga niya ang amoy. 

She again looked at her notebook and read her things to do. Ano nga kaya sa mga iyon ang gusto niyang gawin? She had done the eat all the the vegetables she hates, she had done the ride the train all day, nagawa na rin niya ang number 56, do an illegal act -- she did that with Jenny -- at iyon ang gabing hindi niya makakalimutan dahil ang gabing iyon ang nagdala sa kanya sa lalaking nagnakaw ng kanyang unang halik. 

She sighed. Wala sa listahan niya ang magpahalik sa isang estranghero pero nagawa na niya. Idadagdag niya ba iyon o ano? Sabagay hindi naman bilang ang halik na iyon ni Nathaniel Varress dahil hindi naman sila magkakilala at wala siyang nararamdaman para dito. She sighed. Bigla ay naalala niya ang araw kung kailan nagpunta siya sa museum at nakita niya roon si Nathaniel Varress. 

He saw how broken he was. Nakita niya sa mga mata nito ang sakit na tila unti-unti nang papatay sa puso nito. Marahil ay talagang mahal nito ang babaeng iyon pero hindi man lang ba naisip nito na mali ang ginagawa nito at ng babaeng iyon? Alcina Mendez Dela Rosa is married to Condrad Mendez. Kilala sa society ang pamilyang iyon kaya alam niya at hindi siya makapaniwala na ganoon pala ang ginagawa ng mga taong iyon. 

"Ang mayayaman talaga. Walang contentment." she whispered. Muli niyang kinuha ang ballpen na kanyang dala at isinulat sa notebook niya ang salitang "contentment." 

"Sabi ko na nga ba nandito ka." agad na itinago niya ang kanyang notebook at muling nag-angat ng tingin. She saw Jenny -- her best friend -- took the seat at the other table and sat beside her. Mukhang galing ito sa trabaho dahil hanggang ngayon ay suot pa nito ang uniform sa school na pinagtatrabahuhan nito. 

"Give me some love." she smiled and initiated their secret shakehands, Jenny gave in. Matapos iyon ay tiningnan siya nito. 

"May hiring sa school namin, mag-apply ka." pahayag nito. She made a face. 

"Ayokong magtrabaho." 

"Bakit tumama ka na sa lotto?" nanlalaki ang mga matang wika ng kanyang kaibigan. 

"Hindi. Gusto kong makumpleto iyong ----"

"Iyong list mo?" pumalatak si Jenny at saka umiling. "Ano bang meron sa list na iyan? Mamatay ka na ba?" 

"Heh! Ang panget mo, Bebang." huminga siya ng malalim. "Gusto ko lang. Sabi nga nila Bling dati, ang buhay ko daw parang General Patronage. Walang thrill. Walang color. Walang excitement. Gusto ko lang na magkaroon ng ganoon ang buhay ko. Gusto kong maging Rated SPG ang buhay ko." 

"Rated SPG pala, eh di gumawa ka ng PORN." nakangising wika ni Jenny sa kanya. She looked at her. 

"So nakagawa ka na ba ng PORN kasama si Trey?" dinuro siya nito.

The random right oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon