"Grapes?"
Ella shook her head while still looking at Jenny. Nakaupo ito sa silya sa gilid ng hospital bed niya habang pinagbabalat siya ng prutas. She smiled at her. She was thankful na lagi itong naroon at sinasamahan siya. Hindi siya gaanong nalulungkot.
"Gusto ko ng umuwi eh..." mahinang wika niya. Jenny sighed. Itinabi nito ang mangkok na may lamang grapes at sumampa sa kamay niya. Ipinalupot nito ang braso nito sa balikat niya at saka nagsalita.
"Hindi pwede. Sabi ni Doc Condrad, dapat dito ka lang. Lalo na ngayon na...."
"Malala na ako?" she gave her a little smile. Jenny glared at her.
"Bakit ba ayaw mong magpagamot? Ella, pwede kang magtherapy, pero bakit ayaw mo?"
Hindi siya nakasagot. She held Jenny's hand and just took a deep breath. Kung ipapaliwanag niya kaya kay Jenny ang dahilan niya, maiintindihan kaya siya nito? Ayaw niyang magpagamot dahil ayaw niyang umasa ang pamilya niya na pwede siyang gumaling. Ayaw niyang mas lalo pang masaktan ang mga taong nakapaligid sa kanya. Kung magpapagamot siya, aasa ang mga ito na gagaling siya, pero paano kapag hindi siya gumaling? What if all the medications and the therapy failed? Parang magsasayang lang sila ng oras at panahon noon.
"Dati tinanong mo sa akin kung para kanino ako bumabangon and I told you that it's for the people I love and cared about. Ikaw, Ella.. para kanino ka ba bumabangon?"
She fell silent.
Dati alam niya ang sagot doon. Bumabangon siya para sa sarili niya, para sa pangarap niya, para magawa ang mga bagay na gusto niya but now, the answer to that question changed.
"Para kay Nathan..." nakangiting sagot niya. Jenny rolled her eyes.
"I still can't believe you fell in love with that son of a bitch!" Napabuntong hininga pa ito. "Okay, so para kay Nathan... Hindi mo ba gustong gawin ang mga bagay na iyon para sa kanya? You love him, why don't you seek for medical help so you could be with him after?"
"Masaya na si Nathan ngayon..." she said. Kahit alam niyang masaya ito sa piling ni Alcina ay ganoon na lang ang sakit na nararamdaman niya. It was like the Albert episode again -- when she had to let go of him -- but this time it was more painful, more hurtful, sadder and meaner on her part because she truly loved Nathan.
Kumbaga sa kanya, she had the right love at the wrong time...
"Ella naman eh..." ungot ni Jenny. She just smiled.
"Napapagod na ako, Bebang... Matutulog muna ako ha?" she said to her. Hindi naman kumibo si Jenny. Bumaba ito ng kanyang kama at saka tinulugan siyang ayusin ang kanyang unan. Humiga siya at saka tumagilid.
Sa totoo lang, natatakot siya sa pwedeng mangyari. Natatakot siya na sa tuwing matutulog siya ay hindi na siya magigising pa. She was scared of the fact that she might not see the people she loved and cared about, she was scared that she might not be able to see Nathan again...
Ganoon pala iyon...
Noon, akala niya ay tanggap na niya ang kanyang kapalaran, pero noong makilala niya si Nathan, nag-iba ang lahat.
She married Nathan thinking she could change the way he thinks, pero in the end, he was the one who changed her. Nathan made hee believe in fairy tales again. Itinapon na niya iyon noong nalaman niya na mamamatay na siya, but then, he managed to make her believe. He managed to make her want to love life and start living it again. He made her want to have a happy ending.
But it's too bad...
Hanggang doon na lang yata talaga sila.
====================
BINABASA MO ANG
The random right one
RomanceMarcela Guanzon had one thing in mind; she wanted to complete her to do list. But that thing changed when a conceited Brain Surgeon named Nathaniel Varres entered her life. Things got out of hand and she just found herself in a very compromising sit...