Sunday is pahinga day...for others, but for me preparation day para sa press conference na pinatawag ni Donald.Charot lang! Hindi naman 'yon kailangang paghandaan. Bahala si Donald na sumagot sa mga tanong, sasamahan ko lang siya. Assistant niya lang ako eh.
Anyways... To start the day right, hinila ako ni Lean para ipakita sa akin ang nakakamanghang talento niya, that's according to him.
Akala ko kung anong talent ang sinasabi niya, hula-hoop lang pala. Pinasubok niya sa akin, at humanga siya dahil kayang-kaya ko.
Nagkakasayahan kaming tatlo ng biglang lumabas si Kier at nakapang-workout. Tinawag niya kami at pinasunod sa kanya sa fitness room. Paparusahan na naman nila ako. Sa kanila okay lang, sanay naman sila. Eh ako? Hindi!
As expected, treadmill na naman ang nakasama ko ngayong Sunday morning. Ay nako. Talaga naman. Pawisan na naman ang ganda ko.
Pagkatapos kong tumakbo sa treadmill, nagpaalam ako sa kanila na magsisimba ako mamayang hapon. Trip na naman nilang sumama sa akin. Napaisip tuloy agad ako, saang simbahan ko ba sila pwedeng dalhin na wala masyado makakakilala sa kanila. Meron bang simbahan na malapit dito na konti lang ang nagsisimba? Malamang wala!
Bahala na!
***
Hay kapagod! But of course, before I go to sleep kailangan ko pang ikwento ang mga nangyari ngayong hapon.
Successful naman ang naisip ko. May nahanap naman ako na simbahan na konti lang ang tao or madami mang tao pero wala sila pake sa kung sino man ang nasa paligid nila. Nakapag-simba at dasal kaming apat ng mataimtim.
After magsimba nag-aya si Lean at James na mag-mall. Ayoko. Papagalitan na naman ako ni Donald Duck. Akala ko nga kanina tutol si Kier sa naisip nung dalawa, pero mali ako. Pinagtulungan nila akong tatlo na pumayag.
Babae lang ako, may taglay na kahinaan kaya naman pumayag ako. Ewan ko lang kung hindi nila mapapayag ang kahit na sino, aba'y todo paawa talaga sila. Effective, pwede na sila mag-artista.
Moving on... Sa isang high-class mall sila dalhin matigil lang sila. Success nanaman. Masaya kaming nakapaglibot sa mall ng walang sumusunod sa amin, walang nagpapa-picture or autograph sa tatlo.
Almost five hundred pesos ang naubos namin para sa arcade games. Kung hindi ko pa pinigil ang JKL baka hanggang ngayon nandoon pa rin kami at hindi kumakain.
Sa isang buffet style napiling kumain ni Lean at James, approve sa akin. Tutol si Kier. Remember, he's a living carb-weighing-scale? Wala siyang nagawa kasi tatlo kami isa lang siya.
Kier: fine, you have to run for thirty minutes when we get home.
Akala ko yung sinabi niya na 'yon para sa aming tatlo ni Lean at James, pero para sa akin lang pala. Ang unfair talaga ng buhay. Hindi ko masyadong inintindi 'yon nung nasa mall pa kami, nasa isip ko kasi makakalimutan niya rin 'yon. Of course, mali nanaman ako.
Ikamamatay ko ang mga pagpapahirap sa akin ni Kier kapag hindi pa siya nagtigil sa kakapatakbo niya sa akin. I swear!
I'm so tired! Patnubayan nawa ako ng langit bukas para sa presscon ng Levity.
Good but tiring night!
BINABASA MO ANG
The Ultimate Adventure of Super Mavie
AdventureSuper sa ganda! Super sa saya! Super sa kalokohan! Super sa katatawanan! Super sa kakulitan! Super kung super! Basta SUPER MAGANDA KO!!! Date Started: Feb. 19, 2016