Mabuti na lang at walang naka-schedule today. Late na ako nagising kahit maaga akong nakatulog.Kakagising ko lang, si Kier agad ang bumungad sa akin at pinagpapalit ako ng damit dahil kailangan ko daw tumakbo dahil nasobrahan ako sa tulog. Yung totoo, hindi pwedeng kumain muna?
Sabi nga nila, magbiro ka na sa lasing hiwag lang sa bagong gising.
I woke up at the wrong side of the bed, kaya inirapan ko siya at tinalikuran. Wala ako sa mood para sa pagiging fanatic niya sa fitness and health. Mag-gym siya mag-isa niya.
Pagkatapos kong kumain bumalik na ako sa kwarto ko, at hanggang ngayon hindi pa rin ulit ako lumalabas.
Inaantok na naman ako. Laters.
***
Lunch time na nung nagising ulit ako. Actually ginising ako. Sa inis ko kinurot ko si Kier. Hinila niya ang paa ko. Peste!
Hindi talaga siya nagtigil hanggang hindi ako nagpapalit ng damit dahil papatakbuhin niya talaga ako. Matigil lang siya, nagpalit na lang din ako at sumunod sa kanya sa fitness room.
Akala ko takbo lang sa treadmill, hindi pala. May kung ano-ano pa s'yang pinagawa sa akin.
Ako: bakit ba dinadamay mo ako sa pagiging exercise addict mo?
Kier: you need to stay fit to keep up on our super busy schedule when we do the tours soon.
Ako: bakit, required ba 'yon? Wala naman 'yon sa kontrata. Pinapahirapan mo lang yata talaga ako.
Kier: mahirapan ka man, at least you gain something. You got fit and healthier.
Naiinis talaga ako sa kanya nung mga oras na 'yon. That time I was at the treadmill, I look at him behind me while pressing the button for the speed of the machine. Nagulat na lang ako kasi muntik na akong bumalentong dahil sa bilis at pagkataranta ng mga paa ko.
Good news: nasa likod ko si Kier at hindi ako napa-tumbling ng wala sa oras.
Bad news: I end up hugging him for support para tuluyan akong hindi malugmok sa kahihiyan.
Super bad news: naabutan kami ni James, Lean, at Mother D sa ganong posisyon.
Super-super bad news? Hindi ko alam kung meron pa.
Hindi naman nagsalita yung tatlo, nagmamadali lang lumabas yung tatlo. Ako naman lumayo na kay Kier at naglakad pabalik sa kwarto ko.
Hanggang ngayon kumakabog pa rin ng bongga ang dibdib ko. Kailangan ko na bang magpatingin sa cardiologist?
***
Hindi ko na nalaman ang mga sinabi ni Donald, dahil nung nagkaroon ako ng lakas ng loob para lumabas ay wala na siya.
Tinanong ko yung dalawa kung ano ang sainabi ng baklang si Donald, pero tanong din ang ibinalik nila sa akin.
James: kailan pa?
Lean: gaano na kayo katagal?
James: nagkaron ba kayo ng LQ, tapos yung naabutan namin nasa reconciliation process na?
Lean: where not against you having a relationship with him, we just want to know since we're like brothers already. Bestfriends.
Ako: mga malisyoso. Bumilis lang yung treadmill, na out of balance ako kaya napakayap ako sa kanya para hindi ako bumagsak sa sahig.
Nagpaliwanag talaga ako though alam ko na hindi sila maniniwala. But nagsabi talaga ako ng totoo sa kanila. I swear to God!
***
Si James ang cook ngayong araw, madaya siya kasi hindi naman talaga siya nagluto. Gumawa lang siya ng vegetable salad, at nag-steam ng chicken tapos puro white meat pa. Really not my kind of food.
Wala naman akong ibang choice, alangan naman na magluto pa ako. Masyadong magastos at takaw-oras.
Pagkatapos kumain si James na din ang nagligpit at hugas ng pinagkainan namin. Bukas si Kier na. Parang gusto ko tuloy na sa ampunan muna umuwi. Kung hindi na edible sa pananaw ko ang mga hinanda ni James, lalo naman ang kay Kier. Jusko!
Nanonood kaming dalawa ni Lean ng tv ng biglang umepal na naman si Kier. Pinapunta niya kaming tatlo sa fitness room. Ayoko sana pero hinila ako ni Lean at James. Pagod na pagod na ako kaka-workout. Wala na akong energy. Sana ba kung simpleng exercise lang pinapagawa sa akin ni Kier, eh hindi naman.
Aahhhhggggg!!! Pagod na ako!!!
Goodnight na! Bukas na lang ulit ako magrereklamo.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Adventure of Super Mavie
AdventureSuper sa ganda! Super sa saya! Super sa kalokohan! Super sa katatawanan! Super sa kakulitan! Super kung super! Basta SUPER MAGANDA KO!!! Date Started: Feb. 19, 2016