Time check: 2:43pmWhat the hell?! I'm still wide awake and my heart frantically beating like it wants to come out from my chest.
Diid just that really happen? Wait? Bakit parang wala akong maintindihan sa mga isinusulat ko? Matulog na lang kaya ako? Hindi eh, hindi talaga ako makatulog.
Jusmio! Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari one hour ago. WE F*CKING ACCIDENTALLY KISSED. Holy f*cking hell!!! Sorry po Mother Superior!
#BlameDeadPoolForAllTheCurseISaid
So this how that ACCIDENT happened.
After thirty minutes of running, finally napagod din ako. Tingin ko sapat na ang pagod ko para makatulog na ako. Pumunta ako ng kitchen para kumuha ng tubig. Palabas na ako ng kitchen ng biglang sumulpot si Kier out of nowhere. We bumped into each other, and just like any other drama, we fell on the floor, me on top of him, my lips on top of his. You see, pang-telenovela ang eksena.
Shock kami pareho kaya hindi agad kami nakagalaw. Ang totoo niyan, shock was an understatement for what happened. Super understatement!
Ako ang unang nakabawi, kaya ako ang unang nakatayo at takbo pabalik sa kwarto ko.
At heto nga ako ngayon, kahit sobrang pagod na hindi pa rin ako makatulog. Three na ng madaling araw pero heto at dilat pa rin ako. Good thing I and JKL don't have any meeting or important matter to attend to.
Paano ba ako makakatulog nito? Every time I close my eyes and try to f*cking sleep, paulit-ulit na nagre-replay ang steady-kissing scene namin sa may kitchen?
***
J & L: whoa!
Lean: whoa! Look at you Mavie, you look so ugly right now. Look at the dark circles under your eyes. What the hell happen?
James: you look so horrible. You look like a zombie, a walking dead.
Me: wow! Thank you! I'll take that as a compliment. (Please note the sarcasm.)
After that "good morning" small talk with James and Lean, sa kitchen na ako tumuloy to get myself something to eat or drink. Natapat ako sa isang salamin, and yes, what James said was true. I f*cking look like a zombie, a walking dead.
Papalabas na sana ako ng kitchen ng makita ko na papasok naman si Kier. Lakad-takbo ang ginawa ko para makalabas sa backdoor sa kitchen 'wag lang magtagpo ang landas namin.
Iwas moves #1 - Mission accomplished!
***
Nakatanggap ako ng tawag mula kay Madam Amy, asawa ni Mr. Sullivan na dati kong boss at tatay ni Kier.
She wants us to meet somewhere. She wants to ask me daw tungkol sa anak niya. Sasabihin ko sana na siya na mismo ang magtanong sa anak niya kung kamusta na siya. Syempre hindi ko sinabi, malaki ang respeto ko kay Madam Amy, saka ang bait niya sa akin. Ang ayoko lang eh, bakit hindi sila personal na mag-usap ni Kier?!
Laters.
***
Madam Amy's happy to know that his son, Kier, was doing good. Nasabi ko rin kay Madam yung napag-usapan namin noong isang gabi tungkol sa pagsusulat niya ng mga bagong kanta para sa album na gagawin nila, and also the revival album.
Kahit sino nan siguro ang maging magulang ni Kier magiging proud sa kanya. Well, Madam Amy was more than proud for what his son has achieved and will achieve soon.
***
Pagdating ko sa bahay wala si Lean at James, at Kier, hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Naisip ko tuloy baka magkakasama silang umalis at may pinuntahan lang sandali dahil hindi naman sila nagsabi sa akin kanina bago ako umalis.
Dahil sa inip at kawalang-magawa ay naisipan ko na lang pumunta ng entertainment room para manood ng movie kung ano man ang meron doon na magandang panoorin.
I chose Into The Woods. I heard a lot of good praises for the movie, but wala akong time noon para panoorin iyon.
Fast forward.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa entertainment room, nagulat na lang ako ng mukha nila JKL ang bumungad sa akin pagkadilat ng mga maya ko.
Lean: you look more normal now.
James: yeah, that's true.
Kier: why did you slept here?
Wow lang ha!
Me: hindi ko naman sinasadyang matulog dito, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nanonood ng pelikula. Sorry naman.
Kier: why your eyes are like that?
Gusto ko talaga sanang isigaw sa kanya na alam naman niya kung bakit nagkaganito ang mata ko, tapos nagtataka pa siya. Kasalanan ko ba? Ginusto ko ba? Hindi naman!
Sa halip na sigawan siya, inirapan ko na lang siya at saka ako umayos ng upo. Paglingon ko sa TV patay na. Hindi ko naintindihan ang pinanood ko. 😔
***
Nagiging insomniac na yata ako. Dati kasi ten pa lang inaantok na ako, anong oras na ngayon! Eleven na at dilat na dilat pa rin ako.
Makabalik na nga lang sa entertainment room. Manonood na lang ako ng nakakatawa o kaya naman action-adventure na movie para hindi ko makatulugan. On second thought, nakakatakot na lang.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Adventure of Super Mavie
AdventureSuper sa ganda! Super sa saya! Super sa kalokohan! Super sa katatawanan! Super sa kakulitan! Super kung super! Basta SUPER MAGANDA KO!!! Date Started: Feb. 19, 2016