18 : Most Embarrassing Moment Evah!

196 13 5
                                    



Katabi ko si Lean kanina, katabi naman niya si Kier, tapos si James, at sa kabilang dulo naman si Donald.


Habang si Donald ang salita ng salita, busy kaming dalawa ni Lean sa pag-doodle sa notebook na dala ko.


Ang balak ko talaga magsulat ng lahat ng tanong at sagot sa buong presscon kasi wala naman akong balak magsalita at baka pumalpak pa ako, masermunan nanaman ako ni Madam Donald. Iyon talaga ang plano ko, pero hindi nangyari dahil nakipag-kulitan sa akin si Lean.


Nung magsawa siya sa pagdo-drawing, nagsulat naman siya. Nakikipag-tsismisan siya sa akin thru writings. Nung ibinalik ko na kay Lean yung papel dahil nasagot ko na yung tanong niya, biglang inagaw ni Kier yung papel. Sa gulat naming dalawa ni Lean halos mapatayo pa ako, si Lean ganoon din dahil kukuhanin niya sana yung papel kay Kier. Wala rin, naiwas agad ni Kier eh.


Napatingin siya sa aming dalawa ni Lean. Napa-peace sign ✌🏻️ na lang tuloy kaming dalawa.


Sila kasing dalawa ni James ang topic naming dalawa ni Lean, haha! Wala namang masamang nakasulat, nakakatawa lang.


Lean asked me what's my impression to them. Of course I told him the truth, ayaw ko siyang lokohin or echosin. Sa kasamaang palad nga lang, nakita ni Kier. Paniguradong papagapangin niya ako sa hirap nito mamayang gabi. Patatakbuhin nanaman niya ako ng sobrang tagal sa treadmill. Dapat pati si Lean, may mga nakakatawang comment din kaya siya.


Pagkatapos magbasa ni Kier, ipinasa niya kay James ang papel at siya naman ang nagbasa. Napatingin din siya sa amin ni Lean, and again peace sign lang ang naibigay namin sa kanya.


Habang busy si Donald sa pang e-echos sa mga press people, nagkukulitan kaming apat. Hindi nagpatalo sa kakulitan si James, nagsulat din siya sa papel na pinagpapasahan namin ni Lean.


He said something about Lean, and it says:


During one of our concerts in Thailand, he have to exit the stage kahit hindi pa tapos ang performance namin dahil sumakit ang tyan niya.


Muntik ko ng hindi mapigilan ang tawa ko, or more on halakhak ang mangyayari. Bigla kasing nalukot ang mukha ni Lean dahil sa sinulat na 'yon ni James. Kahit si Kier nagpigil na mangiti ng malaki dahil siguro naalala niya yung moment na sinasabi ni James.


Nagsulat ulit si Lean ng tanong, ang tanong naman niya ay kung ano ang most embarrassing moment namin. Sa akin niya unang binigay ang papel, ako talaga dapat ang mauna? Wow! Gentleman sila, ladies first talaga.


Pasimple akong nagsulat, napansin ko kasi na naaagaw na namin ang spotlight sa dumadaldal na si Donald. Nung ibaba ko yung ballpen agad na kinuha ni Kier yung papel. Sa gulat ko hinabol ko yung papel.


Hindi na siya nahiya, talagang itinaas pa niya yung papel kinuha niya sa akin kahit pa nasa kalagitnaan kami ng presscon 'wag ko lang makuha ulit sa kanya yung papel.


Ibinaba ni Kier yung papel at sabay pa na tumingin si James and Lean para makibasa. Hindi pa nagtatagal sabay silang tatlo na nilingon ako, at saka muling ibinalik ang tingin sa papel.


Nagkunwari ako na nakikinig sa mga sinasabi ni Donald at nagpanggap na nagsusulat.


Nagulat na lang kaming lahat na nasa presscon ng biglang tumawa ng malakas yung tatlo. Napatigil sa pagsasalita si Donald, napatingin at pikit na lang ako dahil sa nangyayari.


Nagpipigil ng tawa yung tatlo, at ng maging successful ang pagpipigil nila, sabay-sabay silang humingi ng paumanhin. Nagtanong ang mga nandoon kung bakit sila natawa, at salamat naman at hindi nila sinabi.


Bakit ba kasi masyado akong matapat? #DisadvantageOfLivingWithTheNuns


***


Pagdating sa villa mula sa presscon galit at kunsumido na naman ang Madam Donald namin. Eto ang mga dahilan.


1. Sinabi ni Kier ang sinabi niya sa akin nung isang gabi, yung balak nila na all-revival songs lang ang plano nila sa next album nila.


2. Hindi siya na-inform nila JKL sa plano na 'yon. Si James at Lean alam, malamang sinabi sa kanila ni Kier at nagkasundo naman silang tatlo.


3. Yung eksena naming apat kanina sa presscon. Remember? As to date, what happened earlier was the second most embarrassing moment of my entire existence. Hindi kasi siya relate kaya siguro galit. Chos!


4. Nabanggit nila na gusto muna nila na guesting lang sa mga susunod na araw since ine-enjoy nila ng husto ng bakasyon nila. Syempre ayaw ni Donald nun kasi ibig sabihin hindi siya kikita ng malaki.


Ayaw ko ng sabihin pa yung iba kasi kababawan na lang. Lakas maka-BV ni Madam D.


Eto ang nakakatawa. Lean called Donald Mommy D, as in Mommy Donald tapos ginaya pa nung dalawa, so ayun, he walked out.


***


Pagod ako at ramdam ko 'yon, pero hindi ako makatulog. Bumaba na ako para kumuha ng gatas para antukin ako, pero waepek pa rin.


Ano bang magandang gawin?...............





Tatakbo na lang ako.






++++

Author's Note:


I updated this earlier today, I don't know what happened at hindi ko na siya makita ngayong gabi. May link naman na ibinibigay, but when I try to edit it, walang lumalabas. Iiyak na sana ako dahil so far, today's update is one of my favorite part tapos mawawala lang? I was like "WHAT THE HELL?!"


Thanks to my dearest brother who did everything to recover today's update.


Enjoy!

The Ultimate Adventure of Super MavieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon