Kagaya ng sinabi ni Madam, sinundo nga ako ni Mang Noli. Hindi ko nga alam kung anong oras siya dumating, kaya hindi ko alam kung ilang oras ba niya akong hinintay. Hindi ko na tinanong, baka mamaya tatlong oras pala niya akong hinintay makunsensya pa ako.Hinatid ako nung dalawa sa airport, si James at Lean, pero hindi na sila bumaba. Nagbilin lang sila na mag-iingat ako sa pupuntahan ko at itext ko sila. They even asked me to send pictures of my vacation, pumayag naman ako syempre. Iyon lang ang kaya kongg ibigay ipagdadamot ko pa ba?
***
Around eight-thirty in the morning na ako nakalapag sa aiport sa Iloilo, at nag-byahe pa ulit ako papunta naman sa port papuntang Guimaras. Nine-thirty pa ang next trip, almost ning pa lang ngayon.
Pagdating ko sa island, kung saan mismo nakatira si Beverly at pamilya niya, hindi ko alam kung makakapag-sulat pa ako.
Yung katabi ko kanina sa eroplano ay sa Guimaras din ang punta niya, pero hindi ko na ulit siya nakita pagkababa ko. Kung nasaan man siya, ingat siya at sana mag-enjoy siya.
Yung driver naman ng taxi na nasakyan ko papunta dito sa port mabait, hindi siya nag-take advantage sa sitwasyon ko na walang alam sa lugar na 'to. Sabi ko kasi kay Beverly huwag na niya akong sunduin mula sa airport, magagastusan pa sila. Sabi ko hintayin na lang nila ako mula sa Guimaras port.
Sabi ni Manong mag e-enjoy daw talaga ako dito lalo na raw kung mahilig ako sa dagat. Oh how I love beaches!
Kakatapos lang din naming mag-usap ni Madam Amy, at tinatanong niya ako kung nasaan na daw ba ako.
Ganito siguro yung pakiramdam ng may nanay ka o tatay na nag-aalala sa 'yo kapag nasa malayo ka, yung hinsi sila mapakali kasi wala ka sa tabi nila. I may not have parents, okay lang dahil meron naman akong Mr. And Mr.s. Sullivan na parang magulang ko na rin.
Nagbilin si Madam Amy na ibili ko daw siya ng mangga. Matatamis daw kasi ang mga mangga dito. Sabi niya babayaran na lang daw niya sa akin pagbalik ko. Syempre hindi ako pumayag. Pasalubong ko na 'yon para sa kanya.
Sasakay na ako ng bangka.
Laters or see you tomorrow na.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Adventure of Super Mavie
AdventureSuper sa ganda! Super sa saya! Super sa kalokohan! Super sa katatawanan! Super sa kakulitan! Super kung super! Basta SUPER MAGANDA KO!!! Date Started: Feb. 19, 2016