Happy Monthsary!!! 🎉🎉🎉🎆🎇🎆🎇One month simula ng simulan ko ang kalokohan na 'to. Nah, just kidding! Etong tinatawag ko na kalokohan ay magihing isang malaking tulong kapag timanda na ako at tamaan ng Alzheimers Disease pagtanda ko.
Kumbaga sa Facebook, may look back ako na maaasahan!
***
Kung yung cameo role nila sa isang rom-com series ay pinagpipilitan ko sa kanila, yung offer sa kanila na commercial parang gusto kong siraan sa kanilang tatlo.
TOOTHPASTE COMMERCIAL!!!
Toothpaste commercial means they will show to the whole world their breathtaking and astonishingly killer smiles. No! No! No! Cannot be!
Ok fine, I'm overreacting and being super selfish here. You can't blame me though. Talaga naman kasing nanaisin mo na ikaw lang ang makakita ng ngiti nila. Yung ngiti kasi nila tipong Enervon, nakakapagbigay ng energy. Eh kapag more energy, more happy. Gusto ko ako lang! Char! Not that I want to be the only one happy, ang gusto ko lang ay ako lang ang makakakita ng ngiti nilang tatlo.
***
Pagdating ko sa villa ay agad akong sinalubong ni Lean. May bitbit siya na cake.
Lean: how's the meeting?
Kibit-balikat lang ang isinagot ko sa kanya at saka ako nagtuloy sa kwarto para makapag-linis ng katawan at pahinga.
Narinig ko pa si Lean na nagsasabi kay James na parang may problema ako.
I feel so tired right now. Gusto ko lang mahiga, nanlalata ako.
***
Kung hindi pa ako kinatok nung tatlo kanina ay hindi talaga ako lalabas ng kwarto. They all look worried. James announced na kakain na kami kaya bumangon na ako.
Habang kumakain, tahimik lang kaming lahat. Si Kier ang bumasag ng katahimikan.
Kier: after dinner, you go change.
Tiningnan ko siya at saka ako nagsabi na pass muna ako today.
Kier: if you'll pass today's challenge, forget our cameo role on the series.
Tiningnan ko ulit siya at saka ulit nagsalita.
Ako: fine. I'm not in the mood to have an argument with you. I'm done eating.
Tumayo na ako at dinala sa sink ang pinagkainan ko. Ako na rin ang naghugas at saka ako umakyat na sa kwarto ko.
Hindi naman sa nag-iinarte ako dahil sa commercial. Walang kinalaman ang commercial offer sa inaarte ko. Masama lang talaga ang pakiramdam ko ngayon. Init-lamig kasi ang naranasan ko buong maghapon kaya siguro ganito ang nararamdaman ko.
One hour after ko pumasok sa kwarto ay lumabas ulit ako para kumuha ng gamot sa kitchen kung saan nandoon ang first-aid kit ng villa.
Alam ko na sinundan nila ako ng tingin mula pagbaba ko hanggang sa makapasok ako sa kitchen, pero hindi ko sila pinansin. From my peripheral vision nakita ko na sinundan pala ako ni Kier, at nasa pinto siya ng kitchen.
Kier: why are you acting strange? Your not yourself today. What happened?
Umiling lang ako. Nung dadaan na ako kung nasaan siya pabalik sa kwarto ko ay bigla n'yang hinarang ang sarili niya. He even hold my left arm.
Kier: what's the matter?
Ako: I'm just tired. Let me through.
Hinawakan ni Kier ang noo ko at saka ako tinitigan.
Kier: you're sick. Come.
Nagpatangay na lang ako sa kanya. Hinila niya ako hanggang sa kwarto ko, at kasunod namin ang dalawa.
Pinahiga ako ni Kier at saka ibinigay sa akin ang thermometer. Tinalikuran ko lang silang tatlo at saka ako nagtalukbong.
Okay naman na ang pakiramdam ko kaya naikwento ko pa ang dapat ikwento. Ikaw ba naman ang hindi tantanan ng tatlong mas makukulit pa sa bata at pilit kang pinapainom ng gamot, ewan ko na lang kung hindi ka mapilitan sa gawin ang sinasabi nila.
Need to rest! Goodnight!
+++
A/N: off-topicHappy birthday papsie!
Meet my father, mga beh!
This simple man has the biggest heart. He's my father and I'm so proud of him. He's a father that anyone could ask for. A great provider, loving, sometimes bully, and a very hardworking man.
Labyu Paps!
BINABASA MO ANG
The Ultimate Adventure of Super Mavie
AdventureSuper sa ganda! Super sa saya! Super sa kalokohan! Super sa katatawanan! Super sa kakulitan! Super kung super! Basta SUPER MAGANDA KO!!! Date Started: Feb. 19, 2016