Chapter 1: A typical Prince Charming

438 6 2
                                    

"Nakakabilib yung mga lalakeng naka-navy blue polo no?"

Hindi maiwasang mapangiti ni Lorie sa sinabi ng kaibigang si Alex. Kanina pa kasi niya pasimpleng tinitignan ang tinutukoy nito na lalakeng naka-navy blue polo. Pero mas nakakabilib yung mga lalakeng naka-navy polo tapos cute guy pa.

"Tama! Kumbaga sa female version, Beauty and brains."

Di maiwasang mapatanga ni Lorie. Masabi daw ba ang nasa isip niya?! Napailing nalang siya at finocus ang sarili sa nirereview niya na kanina pa niya binabasa, mga 30 minutes na siguro pero di pa rin siya maalis-alis. Masyado kasi siyang nadistract sa lalakeng naka-navy blue polo at solong nakaupo sa pathway habang nakikinig ng music gamit ang puting earphones nito- dagdag sex appeal lang.

Well what's the big deal ba sa lalakeng naka-navy blue polo?

Sa University kasi nila Lorie, color coded ang bawat department ng mga college. Kung ano ang major mo yung ang kulay ng uniform mo. Gaya nalang ni Navy-Blue Guy na ang ibig sabihin ay Accounting major ito. Ang major ni Lorie way back freshman siya. Pero ngayon ay nahalo siya sa kulay ng mga ube which is for Marketing majors.

Minsan kasi niyang pinangarap maging isang CPA. Sobrang saya nga niya noong nakapasa siya sa department na ito which is jackpot na jackpot para sa kanya. Dinaig pa kasi ang requirments sa subject na ito ang UPCAT. Kailangan kasi not below 90 ang average mo per subjects- Math, Science, English, History at Filipino. Ganoon ang entrance exam nila. Isama mo pa ang Pre-Accounting examination. Kaya nga noong nakapasa siya ay abot langit ang pasasalamat niya. Salamat rin sa relihiyoso niyang Mommy na inaraw-araw ang pagno-novena.

Pero di nagtagal, pagtungtong niya ng second year ay nalihis na siya ng landas. Labag man sa kalooban niya ay napilitan siyang mag-shift sa Marketing Management. Salamat sa Prof niya sa Math Investment at ibinagsak siya nito dahil sa isang linggong pag-absent para sa pagrepresent ng school nila sa isang choir competiton for the Regional. Maimik-imik niyang ibato ang second place trophy nila sa Prof niyang ito, pero dahil isang exclusive ang University nila na karayom pa ang dinaanan niya bago makapasok rito ay napilitan siyang mag-summer at magshift. Bakit naman daw kasi kailangan 2.00 ang GA mo para manatili sa Accountancy department, samantalang sa ibang department... No retention policy.

Kaya nga di maiwasan ni Lorie na mainggit kay Navy-Blue Guy. Mukha itong easy go lucky pero nairaos ang dalawang taon sa departamentong ito.

"Crush mo anuuu?" Napapitlag si Lorie sa biglaang pagsundot sa bewang niya ni Tiffany.

"Tiffany?!" Naiinis na tawag niya rito.

"Crush mo si Torres. Kanina pa kasi kita napapansin na pasulyap-sulyap sa kanya."

"Quit it, Tiff!"

"What?! Look oh, you're blushing!"

Napailing nalang siya at tumikhim. Kung papatulan pa niya ang kakulitan ni Tiffany, siguradong di sila matatapos sa asaran. Pero di niya maiwasang mapangiti. Torres. So yun ang surname niya. Ano kaya ang First name niya?

"Uy bakla, you're smiling plus... blushing! Newsflash! May crush na si Loriely Maniego!" Napairap nalang si Lorie kay Alex na feel na feel ang impit na tili nito, dahil marahil sa kilig at excitement.

Newsflash nga naman kasi, dahil sa 18 years na pamumuhay niya sa mundong ito, nakakaloko man isipin pero wala pa siyang naging crush. Walang hinangaang lalake. Walang nagpakilig. Ewan ba niya, marahil masyado siyang pre-occupied sa pag-aaral at idagdag mo pa roon ang pagiging home schooled niya noong high school siya.

Suntok sa Buwan (to be edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon