Kanina pa nakatitig si Lorie sa espresso niya. Ramdam din niya na lumamig na ito dahil kanina pa niya ito di ginagalaw after her one sip, minutes ago. Nakayuko lang siya habang ang dalawang kasama niya ay nagtatawanan. Which is kung titignan ay si Kael lang naman ang talagang tumatawa, ngumingiti lang si Torres sa tuwing nagpapatawa itong si Kael. Which made her hearbeat faster. Torres is smiling... WTF!?!
"Lorie babes, bat ang tahimik mo? Wa ka mood?"
Umayos ng upo si Lorie tyaka tumingin kay Kael, pero sa peripheral vision niya kitang-kita niya si Torres at ang malamodelong pag-inom nito ng frappe. Para tuloy siyang nanunuod ng live commercial ng Starbucks.
"A-ahm, iniisip ko lang yun Physib natin sa E-commerce. Malapit na kasi yun at wala pa tayong nagagawa dahil sayo PO kasi naka-assign yung first part."Inirapan niya si Kael na natatawa lang.
Kahit kasama niya si Torres sa iisang table, di pa rin niya maiwasang di magtaray. Maybe it's her natural character. Isa lang siyang typical na babae, may pagkamahinhin, tahimik pero di maiwasang di siya maging verbose. At madalas niya itong mapractice kay Kael. Di niya rin alam kung bakit, but magaan talaga ang loob niya rito. Same with Kael na may pagkasuplado sa mga classmate nila but excluding Lorie.
"Haay naku, Lorie! Kahit kailan ka talaga. Birthday ko ngayon kaya wag mo muna akong tarayan, please. Maging malambing ka naman a." Tyaka inakbayan ni Kael si Lorie.
Gusto pilipitin ni Lorie ang kamay ni Kael dahil nasa harapan nila si Torres, baka kung ano ang isipin nito. Baka akalain nito na third party siya nila Kael at girlfriend nito. Pero dahil nga birthday ni Kael, na kanina lang niya nalaman ay hinayaan nalang niya ito.
Speaking of girlfriend kanina pa nagtataka si Lorie kung bakit di nila kasama ang girlfriend ni Kael, imposible naman na break ang dalawa dahil nakita lang niya ito kahapon na magkasama.
"Bat wala pa si Shane?"
Napasinghap siya ng marinig niya muli ang boses ni Torres. Napakalamig nito. It's like she is in a cloudnine whenever she heard his voice. Halo-halo ang nararamdaman niya at yung sinabi ni Charly sa kanya... butterflies in a stomach? No, hindi niya nararamdaman yun. Dahil feeling niya, sa oras na ito, sa oras kung saan nasa harapan niya si Torres, kasama sa iisang lamesa at malinaw na naririnig ang boses nito... tila may mga hayop na nagwawala sa tiyan niya. It's not a butterfly, it's a jungle.
"Mamaya ang date namin bro, syempre solo ko dapat yun."
Ilang oras pa ang nakalipas ay ganun pa rin ang nangyayari sa kanilang tatlo. Si Kael ang magbubukas ng topic tapos isa sa kanila ni Torres ang tutugon. Napunta sila sa topic ng pag-aaral, paghingi ng yellow paper sa kanya ni Kael, sa galing niya sa pagluluto, sa NBA, sa bar na madalas puntahan nina Kael at Torres... upto Kael's girlfriend. Pero wala yung moment na sila lang talaga ni Torres ang nag-uusap.
Despite that fact na hindi sila nagkakaroon ng chance na mag-usap ni Torres, buong duration naman ay nandito ang attention niya. Memorizing his physical features and his actions.
"CR lang ako."
That three words that Kael uttered made Lorie stiffened. Mag-CCR si Kael? Which means kami lang ni Torres ang matitira... paano na yan?
Pagkaalis ni Kael ay kasabay rin paghuhumerentado ng isip ni Lorie. Hindi niya kasi alam ang gagawin, pero isa lang ang alam niya... AWKWARD! Pero her confident side is telling her that THIS IS HER CHANCE. DO THE MOVES!
"Ahm..."
"I don't like you." And that's the cue, unti-unti ay narinig ni Lorie ang pagbasag ng puso niya when Torres said those words.
I-DON'T-LIKE-YOU. Napakabigat na phrase na kailanman man ay di pinangarap ni Lorie na marinig mula kay Torres. At dun lang niya naintindihan kung ano ang sinasabi ni Ramon Bautista na 'Pre-Emptive Supalpal'.
BINABASA MO ANG
Suntok sa Buwan (to be edited)
Romance(EDITING) Gwapo, matalino at mayaman. Gaya ng mga cliche lovestory dito sa wattpad, ganyan si Torres. Kaya nung naging crush siya ni Lorie, isang simpleng estudyante... naging suntok sa buwan ang lahat.