Sabi nga nila, pag nakilala mo na ang isang tao. Lalo na't may special kang pagtingin dito... madalas mo na itong nakikita. Kumpara sa dati.
Totoo nga ba yun?
O mas maiging sabihin na kaya mo inaakala na lagi mo siya nakikita ay dahil kilala mo na siya. Unlike before na nakikita mo na siya lagi noon, pero di mo lang siya kilala.
Ano man ang sabihin nila, basta ang alam lang ni Lorie ay nakikita niya si Torres ngayon. Malapit sa table kung saan sila kumakain ng lunch. At gaya kahapon, tulala na naman siyang nakatitig rito. Crush na nga ba niya? Or higit pa doon?
"Dear, kung ayaw mo na ng kinakain mo willing akong ubusin." Lumipat ang tingin niya kay Tiffany. Inismiran lang niya ito tyaka tuluyan ng tinapos ang pagkain.
Basta't katakawan talaga, numero una itong si Tiffany. Ewan ba niya at di ito tumaba-taba, daig pa ang construction worker kung makalamon. Di naman ito pagod, madalang lang naman ang photoshoots nito and as if napapagod ito roon. Sadya lang siguro pinagpala itong si Tiffany ng magandang hubog ng katawa at maamong mukha. Ang kaso kabaligaran sa ugali. Di kasi ito ang typical na pa-charming. Well, sa pagcocosplay siguro oo... pero sagad kasi sa kakulitan, kadaldalan at katarayan itong si Tiffany. Iba sa mukha nito. Pero mabait naman ito, lalo na kung may kailangan. Lol!
"Tara."
Labag man sa kalooban niya ay tumayo na si Lorie mula sa pagkakaupo niya. Konting pahinga pa please. Pero hindi niya ito masabi, baka kasi mahalata na siya ng mga kasama niya. Ayaw niya pa kasing umalis, si Torres. Ayan na o, ilang pulgada lang ang layo. Solong kumakain at as usual, naka-earphones na naman. Ano bang merong sa pinakikinggan niya?
"Dear, magkikita pa kayo. Don't worry."
"Shut up, Tiff!"
Busy sa research niya si Lorie sa loob ng library ng mapansin niya ay isang paa sa likod ng istante ng mga Old books. Dahan-dahan ay nilapitan niya ito. Kasabay ng paghakbang niya ay ang malakas na tibok ng puso niya. Feeling niya ay nasa isang horror movie siya, na sa paglapit niya sa istanteng ito ay masisilayan niya ang isang duguang babae na nakahandusay sa sahig. Letse, bakit kasi nakikinood siya sa mga horror movies na madalas panoorin ni Alex.
"Ah-" Di na natuloy ni Lorie ang pagsigaw dahil tinakpan niya agad ang bibig niya ng makita ang isang lalakeng nakahiga sa likod ng istante. Nakatakip ang mukha nito ng libro at sa tantsa niya ay natutulog ito. Di maiwasang lalong bumilis ang tibok ng puso niya, hindi lang dahil sa kaba o gulat... kundi dahil sa kulay ng uniporme nito- Navy blue. So pag naka-navy blue, si Torres agad.
Tatalikuran na sana niya ito ng maramdaman niya ng bigla itong gumalaw. Kaya bigla siya na stiff sa pagkakatayo. She's anticipating that it's Torres. Sana nga. Pero kung siya nga, anong gagawin niya? But there's a part of her na wag umalis and don't miss that anticipating moment na makaharap... makausap... at...
Bago pa man makapag-isip si Lorie, ay maimik-imik na niyang matumba mula sa pagkakatayo ng tuluyan na niyang makita kung sino ito. Si Torres. Lalong dumagundong ang pagtibok ng puso niya na tanging yun na lamang ang naririnig niya, dahilan para di niya marinig ang sinasabi sa kanya ni Torres.
Pero huli na ng muli siya bumalik sa normal, dahil marahil sa di niya pagpansin kay Torres at pananatiling nakatitig lamang dito ay tinalikuran na siya ni Torres at iniwan. Ngunit sa kabila ng lahat di niya mapigilang mapangiti, kilala siya ni Torres. Di siya pwedeng magkamali narinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Suntok sa Buwan (to be edited)
Romance(EDITING) Gwapo, matalino at mayaman. Gaya ng mga cliche lovestory dito sa wattpad, ganyan si Torres. Kaya nung naging crush siya ni Lorie, isang simpleng estudyante... naging suntok sa buwan ang lahat.