Chapter 18: Resemblance of Past and Present

97 5 0
                                    

UNEDITED.

***

Katatapos lang ng performance ng dance troupe ng University nila Lorie sa isang bar at kasama siya roon. Sobrang saya niya dahil naging maganda ang feedback ng mga tao sa naging pagtatanghal nila kahit na hindi man sila gaanong nakapag-ensayo. Iba na rin siguro pag sanay na ang katawan mo sa pagsayaw, kahit biglaan ay ibang pa rin ang indak na kayang mo ilabas.

“Guys! We did a blast!” Masayang bati sa kanila ng kanilang choreo. “At dahil jan, sagot ng manager ng bar na ito ang lahat ng drinks natin!” Nagsigawan na ang lahat at rinig na rinig ni Lorie ang mga uhaw niyang kasamahan.

Agad na lumapit si Lorie sa choreo nila at nagpaalam. Pumayag rin naman ito dahil alam niya ang sitwasyon ni Lorie. She’s not allowed to drink alcoholic beverages. Siguradong malalagot siya sa magulang niya pag nagkayarian na. She has a history of heart disease. That’s why she was home schooled from nursery to high school. Swerte na lang niya at sakto bagong siya mag-college ay gumaling siya. Thank God!

Kaya kahit labag sa kalooban ng mga magulang niya ay pumayag ang mga ito na maranasan niya nag normal na buhay.

“Uwi ka na Lorie?” Suhestiyon sa kanya ng isa sa mga kasamahan. “Oo” Sagot niya rito.

“Ganun ba. Hatid na kita.” Umiling na lang si Lorie bilang sagot dito. Alam niya kasing may gusto ito sa kanya ng minsang umamin ito. Pero pinabatid na agad niya rito na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay.

Napabuntong hininga na lamang ito. “Kahit hanggang labasan lang? Just to check you’re safe sa sasakyan mo.”

“Pero Nikko-“ Di na siya nakaalma pa ng bigla siyang hilahin nito palabas. Marahan naman ito at hindi na rin siya kumontra pa.

“Ayan si Manong Teddy na ang nakaabang sa akin, pwede ka ng bumalik.” Nakita na niya si Manong Teddy sa lipat daan. Ito ang taxi driver na madalas sakyan ni Lorie pauwi sa tuwing ginagabi siya. Para na nga rin niya ito service. Mabait ang matandang ito at nakasundo na rin niya na halos ituring na niya itong pangalawang ama.

“John Lloyd!” Pamamaalam ni Nikko tyaka siya hinawakan sa balikat. “Ingat ka din.” Ngiti niya pabalik.

Nakasakay na si Lorie sa taxi ni Manong Teddy at nilalakbay na ang daan pauwi, pero pansin niya ang sunod-sunod na pag-ubo ng matanda.

“Naku po Manong, ayos lang po ba kayo?” nag-aalang tanong niya rito.

“Parang hindi hija, sinusumpong yata ako ng hika ko.” Sagot nito sa kanya.

“Naku po, edi sana hindi niyo na po ako inabangan pa. Nagpahinga nalang po sana kayo sa bahay niyo.”

“Ano ka ba hija, ayos lang iyon. Kaya ko pa naman. At tyaka hindi din ako mapapakali sa bahay kung alam kong di ako maghahatid sayo. Marami pa namang siraulong ngayon.”

“Pero manong-“ Di na natuloy ni Lorie ang sasabihin ng biglang inatake na ng tuluyan si Manong Teddy ng hika nito. “Naku po! Manong! Manong!” Nag-aalalang sigaw niya.

Ihihinto na sana ni Manong Teddy ang taxi nito malapit sa isang park ng biglang may tumatakbong babae ang sumalubong sa kanila at kasabay nito ay pagpikit ng kanyang mga mata.

***

“Pasensya na po Manong, kung ngayon lang po ako nakapunta.” Bulong ni Lorie habang sinisindihan ang mga kandila sa puntod ni Manong Teddy.

Halos mahigit isang taon na ang nakalipas simula ng mangyari ang isang aksidenteng nagpabago sa buhay ni Lorie. Malaking pagbabago na maging katauhan niya.

Suntok sa Buwan (to be edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon