"Pengeng papel." Padabog na pumunit ng isang yellow paper si Lorie tyaka ibinigay sa humihingi nito.
"Last na yan, hindi ka kasama sa allowance na binibigay ng Daddy ko." Isang malakas na tawa lang ang isinagot sa kanya ni Kael. Ang suki niya sa yellow paper. Kung bibilangin nga ang mga nabigay niya ritong yellow papers mula second year ay kulang ang sampung pads dito.
"Alam mo bakla, kung walang girlfriend yan si Kael... iisipin kong type ka niya." Siniringa nalang niya si Alex. Ano bang pinagsasabi ng baklang ito. Hiningan lang ng yellow paper, type agad?!
Pagkatapos ng napakahabang suprise quiz nila sa Research ay inayos na niya ang gamit niya. Tapos na kasi ang klase nila kaya ready to go na siya, pero ang totoo ay umaasa siya na baka sakaling makabangga niya ulit si Torres sa pathway. Yes, aminado na siya... Crush niya nga si Torres, no doubt.
"Alam mo bakla, alam ko na kung paano ka magiging close kay Torres." Napalingon siya kay Alex, kasalukuyan silang naglalakad sa hallway palabas ng building nila. May side sa kanya na na-excite sa sinabi nito but may side naman na natatakot siya. Baka kasi atakihin na siya ng tuluyan pag naging close na niya si Torres.
"H-huh?!"
"Si Kael. Close sila, if I'm not mistaken... best friends sila ni PJ Torres." Si Kael, bestfriend si Torres. Paano?!
"Paanong..."
"Di ko rin alam kaya wag akong tanungin mo. Mana pa, si Kael nalang tutal sa block natin ikaw pinaka-close sa kanya. Feeling ko talaga type ka nun." Di niya mawasang di magblush sa sinabi ni Alex. Bakit daw ba kasi pinagpipilitan na type siya ni Kael. May girlfriend kaya yun.
Kasalukuyang naglalakad si Lorie papunta sa Student's park, kung saan naroon ang ang kubo kung saan madalas sila tumambay nila Alex at Tiffany at kung saan din niya unang nakita si Torres.
Busy siyang nangangalkal sa bag niya dahil sa di makakumayog sa pagring nito, malamang ay si Tiffany ito. Hours ago kasi tinext siya nito na hihintayin siya nito sa tambayan, di kasi ito pumasok dahil may gig sa modeling si ateng.
"Ouch!"
Di sinasadyang napaupo si Lorie sa sahig dahil sa lakas ng impact mula sa pagkakabunggo. Salamat nalang at nakapants siya ngayon dahil Friday, free-wear sila.
"Lorie... naku sorry!"
Tinulungan tumayo ni Kael si Lorie mula sa pagkakaupo. Inayos ni Lorie ang sarili niya tyaka binalingan si Kael. Pero agad rin siyang nag-iwas ng tingin na makita kung sino ang kasama ni Kael. Geez! Wrong timing! Gusto tumakbo ni Lorie sa pinakamalapit na ladies room para magretouch o di kaya ay hilahin na siya palubog ng lupa dahil sa kahihiyang nangyari sa kanya.
Si Torres... It's Torres.
Si Torres na kasama ni Kael na ngayon ay nasa harapan niya. So it's true nga na close ang dalawa at sa tantsa niya ay bestfriends nga sila.
"You okay?"
"Ahmm... A-ano..."
"Tara sa clinic, baka nabalian ka dahil sa pagkakasaldak mo." Naramdaman nalang niya ang mga kamay ni Kael sa braso niya. Pero hindi yun ang nasa isip niya. Si Torres... nasa harapan niya. Katapat niya. 3 feet lang ang layo. Na konting galaw lang niya ay maari na niyang hawakan ang mukha nito... ang mga kamay.... ang mga...
"Lorie?!"
Muling nabalik si Lorie sa reyalidad ng tawagin siya ni Kael. Bakit naman daw niya kasi nakalimutan na kasama si Kael sa scene na ito... sa moment na ito kung saan eye-to-eye sila ni Torres, harapan. Pero mukhang siya lang ang nag-iisip na moment nila ito ni Torres, because Torres looks bored.
"Ahm... o-okay... okay lang ako. Ahm... una na ko."
Walang sabi-sabi ay lakad-takbo na siyang umalis. Naalala na naman kasi niya ang nakakahiyang nangyari sa kanya. Sa harap pa talaga ni Torres, si Kael naman daw kasi e. Pero bago pa siya nakalayo ay narinig niya muli ang pagtawag sa kanya ni Kael.
"Lorie!"
Napahinto siya tyaka dahang-dahan lumingon kay Kael. Carefully, not looking at Torres. Baka kasi magcollapse nalang siya bigla pag nasalubong niya muli ang mga mata nito.
Lumapit si Kael sa kanya, leaving Torres on his place. "Tara sa SB. My treat." Ngisi nito.
SB with Torres? Date na ba ito? First date namin. Gusto-gusto niyang umoo kay Kael, but at back of her mind naalala niya si Tiffany. Dmn it! Baka nahuhumerentado na yun. Then she remembered na tinatawagan nga pala siya nito. What's happening to her? Why so clumsy and forgetful niya? Is it because nandyan lang si Torres sa tabi-tabi?
"Ahm..."
Bago pa makasagot si Lorie ay narinig na niya ang muli pagtawag sa pangalan niya mula sa likuran. "Lorie..." It's Tiffany.
"Dear, di muna ako ulit uuwi sa boarding house. Tumawag si Vhien, may pictorial daw kami sa Raspa. Doon nalang ako ulit matutulog sa unit niya." Lorie just nodded.
Sanay naman na siya na madalang umuwi si Tiffany sa boarding house nila, sana nga ay di na ito nagboard dahil madalas pa itong umuwi sa boyfriend nitong si Vhien. Well, what can she say, liberated itong si ate. Maingat naman ito at long term boyfriend na rin naman niya si Vhien.
"So sama ka na sa amin?" Sa amin? Di ba pwedeng kami lang ni Torres. Shut up! That's what she alter to herself.
"S-sure. Basta libre mo ha." Natawa nalang si Kael sa kanya tyaka siya inakbayan ni Kael and they headed to where Torres' standing.
BINABASA MO ANG
Suntok sa Buwan (to be edited)
Romance(EDITING) Gwapo, matalino at mayaman. Gaya ng mga cliche lovestory dito sa wattpad, ganyan si Torres. Kaya nung naging crush siya ni Lorie, isang simpleng estudyante... naging suntok sa buwan ang lahat.