It's been days since that day na sunod-sunod na nabalitaan ni Lorie ang mga what-abouts ni Torres. Charly as his ex-girlfriend and Audrey as her rumored girlfriend or girlfriend na talaga? Narinig niya kasi ang mga ito nang gabi iyon na si Torres di umano ang naghatid rito - na siyang nagpakirot ng puso niya lalo.
Sa mga araw na lumipas, Lorie decided na sa bahay muna nila magpalipas. She just reasoned out with her friends na pina-uuwi na muna siya ng Mommy niya dahil may business conference ang Daddy niya sa Singapore. Which is partly true and not. True, na pina-uuwi siya. Not true, dahil wala naman conference ang Daddy niya sa Singapore and that was scheduled next week.
When Monday came, napilitang bumalik sa boarding house si Lorie dahil nahahalata na ng Mommy niya na may problema siya. Which she don't want to happen. Dahil kapag nagsuspetsya ang Mommy niya, for sure balik home-schooled na naman niya which is ayaw niyang mangyari. She really do love her life now. Though, may mga bagay lang talaga na di niya ine-expect na ma-eexperience niya. And one of it is falling in love with Torres.
"Lorie babes!" Biglang akbay sa kanya ni Kael.
Kung dati ay sanay na siya sa pagiging touchy nito kung minsan. But not for today. Wala siya sa mood.
"I'm not in the mood, Kael! Stop pestering me." Pabalang niyang inalis ang braso nito sa balikat niya.
"Sunget mo today a. Red flag?"
"Shut up! Don't talk to me." Agad na naglakad si Lorie ng mabilis leaving Kael na nagtataka sa inakto niya.
*
"Seriously girl, is she really okay?" Pasimpleng bulong ni Alex kay Tiffany.
"Stress Drilon lang girl." Alex added.
Kanina pa nilang dalawa ito pinagmamasdan at hanggang ngayon ay walang buhay na Lorie ang kaharap nila. Katatapos lang ng klase nila, kasalukuyan silang nakatambay sa students' park at nag-uubos ng oras. Sometimes, vacant really sucks lalo na kung wala na dapat gawin at nakakaboring pa ang ihip ng hangin.
"I better go. Nagtext si Kael pinapapunta niya ko sa library."
Nagtinginan lang ang dalawa matapos magpaalam ni Lorie na agad-agad ring umalis. Seriously, is she allergic to this place? Tiffany thought to herself. Kanina kasing inaaya nila ito na pumunta roon at sobrang pamimilit ang ginawa nila. They keep of nagging her at dahil na rin marahil sa kakulitan nila ni Alex, ay naisama nila ito.
Pagka-alis ni Lorie ay siya naman dating nina Audrey at Charly na may dalang two boxes of Yellowcab.
"Aaaa, Lorie must be here. Bat nahuli kayo ng dating mga bruha? Favorite pa naman niya ang Pepperoni."
"Oh? I texted her na on the way na kami dito and we brought pizza."
Agad nagkatinginan sina Tiffany at Alex.
"Dear, I know what you're thinking."
"Yes B1, naiisip ko ang naiisip mo."
Pagkadating ni Lorie sa library ay agad siyang umupo malapit sa Storage room ng library. She lied again. Ilang araw na siya ganito and she hated it. Pero wala siya magawa, hindi pa siya ready na makita ang dalawang kaibigan. Somewhat, she felt na naiinis siya sa mga ito. Sort of tampo.
Napailing na lang siya at napagdesisyunan na kumuha nalang ng libro na pwedeng basahin. Kung sanang sa studio nalang ako dumiretso. Ang kaso...
Napahinto sa pag-iisip si Lorie ng may narinig siyang weird noise, somewhat crying. Agad siya kinilabutan at napaisip na baka multo ito. Natatakot man ay di mapigilan ni Lorie na puntahan ang pinanggagalingan ng tunog, sa Storage room.
Mabigat na hakbang na tinungo niya ito.
"I-Im afraid... ayoko."
"Di pa ako ready, Im too young for that and I don't love him... and you know kung sino ang mahal ko."
Ito ang mga katagang narinig ni Lorie mula sa loob ng Storage room mula sa babaeng umiiyak. Napahinga siya ng maluwag ng mapagtanto na hindi ito multo. Tatalikod na sana si Lorie ng bigla siyang nakarinig ng malakas na kalabog, kaya sa sobrang panic ay agad niyang binuksan ang pinto ng kwartong ito and to her suprise...
she saw a girl and a boy kissing.
"T-Torres..."
BINABASA MO ANG
Suntok sa Buwan (to be edited)
Любовные романы(EDITING) Gwapo, matalino at mayaman. Gaya ng mga cliche lovestory dito sa wattpad, ganyan si Torres. Kaya nung naging crush siya ni Lorie, isang simpleng estudyante... naging suntok sa buwan ang lahat.