Chapter 20: Navy-Blue Guy

120 6 0
                                    

Probably the last chapter. Thanks for supporting this story. Lovelots :)

***

LORIE's POV

"I'm not worthy to be love."

"...After he uttered those words, the Prince ran away and no one knows where he go. The end."

"AY? Di happy ending?"

Natawa nalang ako sa pagmamaktol ng mga estudyante ko. Ewan ko ba, pero bakit inis na inis ang mga tao pag di happy ending natatapos ang isang istorya. Kung reality check, ito naman talaga ang nangyayari.

"Okay, class. Settle down. Almost time, so... dismiss!"

"Ma'am! Pero may 5 minutes pa, tuloy niyo na yung story niyo. Baka may continuation pa." Naiiling na binalingan ko si Jenny, isa sa mga estudyante ko. " Yun na talaga, Jen. But if you want you can create your ending." Sabay ngiti ko.

"Knock! Knock!" Napalingon kaming lahat sa pinto.

"Dismissal na, baka pwede ko na po kunin ang Ma'am Lorie niyo."

"Uyyy!" They all gigled. Oh! Teen hormones, pati ba naman kami?

"Ma'am nandyan na po pala knight in grey polo shirt niyo!" Kier shouted and they all laughed. Natatawang nilapitan nalang ako ni Kael tyaka kinuha ang mga gamit ko and we exited the room baka kung ano pang panloloko maiispan ng mga estudyante ko.

Five years had past. Ang bilis ng panahon at di ko namalayan na ganun na pala katagal nangyari ang lahat and now it all just a story to tell.

Maraming nangyari after that day. Shane fly to China and now happily married. Si Charly naman isang registered chemist na and happily engaged to guess what... Lorenzo Bernabe. Kung alam niyo lang kung paanong panliligaw ginawa ni Charly.

Si Tiff at Matt naman, they broke up after five years of relationship. Ang sabi nila, nawalan na daw ng spark. Hindi ko rin alam pero siguro ganoon talaga, sometimes kahit gaano katagal ang isang relasyon kung di talaga kayo para sa isa't-isa, hindi talaga. Pero may maganda namang nagyari after they broke up, Tiff is now a supermodel at nasa France na ngayon and she's with Alex. Not that they're in a relationship. Hello? Di sila talo.

Well, Supervisor na kasi si Alex sa isang sikat na brand ng clothing line doon sa France kaya magkasama doon ang dalawa. At balita ko, may mga jowang French ang mga ito. Kaya daw inspired na inspired sila.

At ako?

I'm currently working here sa University kung saan kami grumaduate. I'm an Instructor now. Kinuha nila ako after I graduated and I'm with Kael. He's also working as CI here, pero part-time lang since mina-manage na niya company nila.

"Umayos ka Kael ha, di ko gusto kinikilos mo. May kailangan ka yata eh?" Bigla kasing naging gentleman itong lalakeng ito. At pag ganyan siya alam na.

"May kasalanan ka noh?" I suspiciously asked.

"Ahm..."Napakamot lang siya ng ulo.

"Actually..."

"It's Audrey." Dugtong ko.

Pilit siyang tumawa para matago ang pamumula niya, sabi na nga ba eh!

"So?"

"Look, Lorie... I'm planning to ask her." I gasp.

"Oh my God! Really?" At tuwang-tuwa akong nagtatalon sa sinabi niya. Finally! After three years, naisipan na rin niya.

Ang totoo niyan kasi. Kael and Audrey are three years in a relationship. Di namin alam kung paano at anong nangyari, basta nagulat nalang kami isang gabi while we're having a dinner to celebrate ang pagkapasa ni Audrey sa board, they announced na sila na.

I was happy for them. Especially kay Audrey, alam kong noon pa mana may gusto na siya kay Kael. Pero alam niyang di sila pwede kaya pilit niyang pinipigilan ito and now that they're together. Ito ang masasabi ko, meant-to-be.

"So can you help me?"

"Of course! And I want your proposal to be unfrogettable. Kaibigan kong matalik si Audrey no! Ayokong di memorable engagement niya."

"Naman! And afterall, sabi mo nga... and chinese ay para sa chinese!" He smirked na ikinatawa ko nalang.

Life. We can never tell what will happen next, just like the fictional and novel books. Di natin alam kung anong susunod na mangyayari, anong susunod na chapter. So all we need to do is to turn to the next page and ready ourselves to what will happen.

*

Nandito ako ngayon sa kubo kung saan kami tumatambay nila Tiff at Alex kapag vacant namin noong college pa kami. Dito sa students park kung saan nagsimula ang lahat.

Tanaw-tanaw ko ang pathway kung saan ko siya unang nakita. Kung saan ko unang naramdaman yung tinatawag nila first heartbeat. Heartbeat na isang umiibig.

Di ko mapigiling di mapahinga ng malalim. Memories. Memories.

Napapitlag ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Si Kael. Sabi niya kasi hintayin ko siya dito ng maplano na namin ang marriage proposal niya kay Audrey at may kukunin lang daw siya sa faculty room.

From: Kael

Wait lang, Lorie babes ha. Chill ka lang jan. :)

Nagtype ako para mareplyan siya at nang iniangat ko ang tingin ko muntik ko ng malaglag ang cellphone ko.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko at kasabay nito ang pagbalik ng jungle sa tiyan ko. Pilit akong kumurap-kurap para malaman kung totoo ba ang nakikita ko.

Nostalgia.

Isang lalakeng naka-navy blue ang ngayo'y nasisilayan kong solong nakaupo sa pathway habang nakikinig ng music gamit ang puting earphones nito.

Di ako makapaniwala sa nakikita. Then when the navy-blue guy looked at my direction, I gulped before I totally uttered a word...

"T-Torres."

***

Suntok sa Buwan (to be edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon