Chapter 11

34 2 0
                                    

Wednesday na ngayon and ilang araw na lang recollection na namin.

What would I do??

Kainis!

Hindi ko nakausap si Sir Jake kahapon

tapos eto kanina busy raw siya kaya bukas na lang daw.

Bakit kasi sa dinami-rami ng pwedeng bunutin na pangalan

eh yung pangalan pa na "Rheena Maya F. Angeles" pa ang mabubunot niya.

Ang malas-malas ko talaga.

"Ate" bungad sa kin ni Yesha pagkarating ko ng bahay.

"You're just in time!" 

"Bakit naman?" tanong ko sa kanya habang papasok sa bahay.

"Eto Ate" inabot niya sa akin yung telephone,

"May tawag sa'yo."

"Sino daw?" kararating ko lang may tumawag na kaagad.

"Hindi nagapakilala pero Ate manliligaw mo ata!"

sira talaga 'tong kapatid ko, napatingin tuloy sa amin si Mama.

"Tumigil ka nga dyan Yesha" saway ni Mama sa kanya.

"Sige na Maya kausapin mo na kanina pa yan nag-aantay."

"Akin na nga!" agaw ko kay Yesha ng telepono.

"Aiiyiee si Ate..." panunukso ni Yesha.

Manliligaw raw, sus wala akong panahon sa mga gaanong klaseng bagay noh.

Sino ba kasi 'tong tumawag na 'to? 

Me: Hello? (ang sabi ko sa kabilang linya) 

Unknown: Ahm, hello!

(boses lalaki, sino naman kaya 'to? Wala namang nakakaalam

ng contact number ko sa mga lalaki kong classmate)

Me: Sino 'to? (tanong ko)

Unknown: Ah good afternoon si Raphael Reyes 'to! Si Maya na ba 'to?

Anong sabi niya?

Raphael daw?

At kanino naman niya nalaman yung number ko?

And what's the reason para tawagan niya pa ko? 

Me: Si Maya nga 'to!

(napalakas ata yung boses ko kaya napatingin tuloy sila Mama and Yesha)

Paano mo nalaman yung telephone number namin?

Unknown (Raphael): Hiningi ko kay Sir kahapon.

Actually kahapon pa sana kita tatawagan

but when I tried to call you busy yung phone niyo.

(Ah kasi super telebabad kami ni Joy kahapon. Teka nga pa-english-english pa siya ha!)

Me: At ano naman ang dahilan para hingin mo kay Sir Jake yung number ko?

(sabay hatak ko sa upuan na malapit sa akin at umupo ako.)

Raphael: Tungkol sana sa...

Me: Sa alin?? 

Raphael: Wait bakit mo ba gustong kausapin si Sir kanina ha?

Me: Ano namang pakialam mo?

Raphael: Tungkol ba 'to sa pagiging magka-partner natin?

Me: I'm sorry but it's not about your business.

Raphael: I'm sure tungkol yon don! Ano bang problema mo?

Me: Teka nga! Bakit mo ba ko pinapakialaman? 

       I'm sorry I have to go. I need to stop this conversation.

Raphael: Wait...!

Tuluyan ko na ngang binaba yung phone...

"Ma! Yesha! Next time na may tumawag ulit sa akin pakisabi po may ginagawa ako."

ang sabi ko.

"Teka bakit anak? may problema ba?" pagtataka ni Mama.

"Si Mama naman nag-LQ lang po sila nung suitor niya" pangangantiyaw na naman ni Yesha.

"Tumigil ka nga Yesha!"

"Bakit totoo naman ah!"

"Anak sino ba yon? Nanliligaw ba sa'yo?" 

"Naku hindi po! Ano ba naman kayo!

Nangiinis lang po yon! Kaya wag niyo na po yon ipapakausap ulit sa akin."

"Sigurado ka ba dyan anak?"

"Opo Ma! Sige po akyat na po ko. Marami pa po kong gagawin"

at dumeretso na nga ko sa kwarto ko. 

Ibinaba ko na yung mga gamit ko sa kama ko at ni-lock ang pinto ng room ko.

Pagkatapos ay nagbihis na ko at naghilamos.

Kainis! tumawag pa yung lalaki na yon. 

Badtrip talaga! May gana pa siyang tanungin kung bakit gusto kong kausapin si Sir Jake.

Napaka-pakialamero naman niya.

Sino ba siya?

Sa totoo lang ayoko talaga kay Raphael.

Hindi ko alam kung bakit, pero sa tuwing magsasalita siya in front of me este sa amin

feeling ko nagpapasikat siya at nayayabangan talaga ko sa kanya!

I swear!!!

Napakahangin niya at ipinagmamalaki pa niya na maraming nagkaka-gusto sa kanya.

Tingnan niya kaya yung pag-uugali niya, tingnan lang natin kung magka-gusto pa yung mga baliw na baliw sa kanya.

A/N: thank you po sa mga patuloy na nagbabasa po ng High School Memories.

Sana po hindi po kaya mag-sawa.. ^_^

High School MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon