Chapter 3

108 3 0
                                    

-->A/N: magiging magkaklase kaya sila Maya and Jam? Ano sa tingin niyo? Ano kayang mangyayari sa first day ni Maya? happy ba or unhappy? 

enjoy reading..:)))

________________________________________________________

________________________________________________________

“Uy!”, may kumalabit sa akin nagulat tuloy ako.

“Ha?” tapos lumingon ako. “Oh ikaw pala.”

Si Kevin pala.

Classmate ko rin siya nung grade four pa ko.

Kasama niya yung iba naming classmate.

“Hindi ka kakain?” tanong niya sa kin.

“Busog pa ko eh.” sabi ko pero sa totoo lang wala talaga kong ganang kumain.

“O sige”, tapos umalis na sila para kumain.

Pagkalabas nila napansin ko, ako lang mag-isa sa room.

Loner talaga ko.

Bakit kasi napaka-mahiyain ko?

Yumuko na lang ako sa arm chair ko kasi wala akong magawa.

Di bale 20 minutes lang naman  ang break time namin.

Kaya ayos lang yon.

Habang nakayuko ako naririnig ko na dumadami na yung

nagsasalita siguro nagsisipagbalikan na yung mga classmates ko.

As usual after ng break time back to class na naman kami

and nagpakilala na naman kami isa-isa in front.

Natapos ang ilang oras nag-ring na ang bell for our lunch break.

Walang natira sa room namin.

Hanggang ngayon mag-isa pa rin ako.

Ihahatid ko nga pala kay Yesha yung lunch niya.

Nasa may corridor na ko ng bigla kong nakita si

Jam!

For sure siya na talaga ‘to!

“Jam!” tawag ko sa kanya,

nakatalikod kasi siya at pababa na ng hagdan.

“Maya!” tapos tumakbo siya papunta sa kin at niyakap ako.

“Bakit ngayon ka lang pumasok?”, tanong ko sa kanya.

“Ha?” Ikaw nga ‘tong dapat kong tanungin.” ang sabi niya.

Sabay na nga kaming bumaba ng hagdan ni Jam.

“Saan ka pupunta?” si Jam yon.

“Pupuntahan ko si Yesha!”

“Bakit?”

“Yung baon niya kasi nasa kin e.”

“Ah ganun ba?”

“Eh ikaw?”

“Pupunta sana kong canteen para mag-lunch.”

“Tara sabay na tayo!”

“O sige! Maya naalala mo pa yung pinupuntahan natin

lagi nung grade school pa tayo?” tanong niya sa kin.

“Syempre naman!” ang sabi ko tapos nagtinginan kami at nagtawanan.

“Don tayo kumain!” sabay naming sabi.

Kaya nung ihatid na namin sa classroom ni Yesha yung baon niya

pumunta na kami malapit sa may Sanctuary Garden.

Part yon ng school na pinaka-favorite naming puntahan ni Jam.

Nagkwentuhan kami habang kumakain.

Halatang namiss namin ang isa’t isa.

Hindi kasi kami nauubusan ng kwento at tawanan.

And then all of a sudden napatahimik ako pati si Jam.

“Bakit?” mahinang tanong sa kin ni Jam.

Pero tingin ko alam niya na rin ang dahilan ng pagtahimik ko.

“Kasi naman eh…” tapos naramdaman kong unti-unting humahapdi ang mga mata ko.

At di nagtagal tumulo na ang mga luha ko.

“Maya naman huwag kang ganyan.” Ang sabi niya sabay yakap sa kin. “Kung pwede lang sana kaso hindi na talaga.”

“Eh kung…”

“Sshh. Don’t worry araw-araw pa rin naman tayong magkikita di ba?” pagpapagaan niya ng loob ko.

“Tama ka!” sagot ko sa kanya.

“Friends forever?” nakangiting sabi niya.

“Yup! Friends forever! Promise!” ang sabi ko.

 Pagbalik namin ng building, magkahiwalay kaming pumasok

ng kanya-kanya naming classroom.

Tama!

Magkaiba kami ng room na pinasukan.

So it means were not classmates.

Nagkamali kami ng pagkakarinig nung enrollment 

kaya we’re not in the same section.

Kaya eto super lungkot ko pagbalik ko ng room.

Akala ko pa naman magiging kaklase ko na siya this school year.

Until sa mag-uwian na iniisip ko pa rin na hindi na kami

magiging magkaklase ng friend ko.

Pano na yan siya pa naman yung inaasahan kong

makakasama ko this year tapos wala rin pala.

Pag-uwi ko ng bahay tinanong ako ni Mama

kung kamusta raw ang first day high ko.

“Okay naman po.” mahinang sagot ko sa kanya.

“Okay eh bakit malungkot ka?” tanong ni Mama siguro napansin niyang hindi ako masaya.

“Kasi po si Jam eh hindi ko na po classmate” pagtatapat ko kay Mama.

“Ha?” pati si Mama nagulat.

Siya kasi yung kasama ko nung nag-enroll ako,

nung time na nakita namin sila Jam.

“Eh pano nangyari yon?”

“Nagkamali lang po ng dinig si Jam.”

“Ganun ba. Sayang naman”, panghihinayang ni Mama.

“Ma pano na yan?”

“Anak, wag kang mag-alala. Ang importante magkikita at

magkakapag-usap pa rin naman kayo ng kaibigan mo.”

-->A/N: kawawa naman si Maya. Expected niya classmate sila ni Jam and then all of a sudden hindi pala. How sad naman. But don't worry Maya everything would be alright!

High School MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon