Chapter 20

10 0 0
                                    

Maya's P.O.V.

"Hoy baka mag-emote ka na naman dyan ah, si Pat parang mawawala na sa sarili dahil di niya na alam kung anong gagawin niya sa'yo."

Paulit-ulit kong naririnig sa tenga ko yung sinabi sa kin ni Jam kanina. Parang hindi pa rin kasi sa akin nag-sink in.

Ano bang sinasabi ni Jam? Bigla ko rin tuloy naalala yung sinabi ni Kevin kanina, "Pat ikaw ba yan? Bakit parang concern ka ata ngayon kay Maya?" does it mean anything? Bakit naman siya magiging concern sa akin? At kelan pa? And friends lang naman kami di ba?

Sabi pa ni Jam, kanina raw nung nakita ako ni Patrick na nakayuko agad daw niya kong nilapitan. Eto pa ha ipinagtatanggol raw niya ko. Hay ewan ko hindi ko alam naguguluhan na ko.

Dear Diary,

Tulungan mo naman ako oh! Naguguluhan na kasi ako hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Bakit ganun? Kanina habang sinusundan namin ni Jam sila Charlie bigla-bigla na lang I remember something, na alam mo yon. Ano yon? I remember kasi, yung day na una kong nakita si Charlie. Yung nabunggo niya ko sa may locker tapos bakit ganun para ngang di na niya ko natatandaan? Sabihin mo nga sa akin masyado na bang matagal yon para di na niya ko maalala? Sabagay sino ba naman ako para maalala or alalahanin pa niya! As if naman na papansinin ako nung taong yon! Nababaliw na naman ako. Tapos eto kanina si Pat ewan ko kung ano bang iniisip niya? Hay di ko na alam bakit ganun akala ko ba okay na kami? Please help me!

Maya :-)

"Guys! Let's go start na ng basketball game!" yaya sa amin nila Megan.

Oo nga pala Intramurals Weeks pala namin ngayon, and today may laban ang section namin.

Grabe ang sigawan ng mga students pano kasi pre-finals na ngayon last game na 'to for sure pag nanalo kami dito syempre pasok na sa finals.

"LET'S GO WARRIORS! LET'S GO!"

"AJA WARRIORS!"

"DEFENSE! DEFENSE! DEFENSE!!"

Sari-saring mga cheer ang sinisigaw! Hehehe halos marindi na ko dahil sa lakas ng mga sigawan. Pero syempre pati ako todo cheer rin ako. Hala halos magkanda-paos na ko sa kaka-cheer.

"Go kaya niyo yan!" sigaw ko! Hehehe nakakatuwa talaga manood ngb basketball lalo pa kung magagaling yung mga players na nasa team niyo.

"Maya" sigaw ni Joy. Hindi kasi kami magkarinigan sa sobrang lakas ng sigawan. Mainit na kas yung laban sa court.

"Ano?" - ako.

"Tingnan mo yon!" turo niya.

"Saan?" tanong ko.

"Ayon oh! Si CHARLIE! Aiyiiee!"

"Tss. Yaan mo siya!" malamig na sabi ko.

"Ano nakatingin kay Maya si Mr. Crush?" singit naman nila Megan.
"Hi!" sigaw nila tapos kinawayan pa nila. Nasa kabila kasi si Charlie, as if naman pansinin sla niyan eh isnabero yan. Rivals pala ang team namin.

"Hoy magsitigil nga kayo dyan!" sinaway ko sila pan kasi mamaya makita pa nung lalaking yon tapos isipin pa nagpapansin ako sa kanya.

"Uy Maya oh tumingin siya dito" sabi ni Joy.

"Dito ka nga Maya!" tapos hinahatak nila ko sa may harapan para makita niya ko.

"Ano ba kayo? Mahiya nga kayo!" naiinis na talaga ko ah. Pero in fairness tama sila nakatingin nga siya. Eh ano naman sa akin kung tumingin siya? Basta ko nag-eenjoy ako sa pinapanood ko, hindi siya ah kundi yung laban yung pinapanood ko.

"Maya akalain mo yon tinitingnan ka na ni Charlie", nakangiting sabi ni Jam.

"Tumigil ka nga dyan isa ka pa!"

"Sus para namang hindi ko alam, if I know abot tenga ang ngiti mo dyan"

"Ewan ko sa'yo."

"Weh kinikilig na yan!" kiniliti naman ko ni Jam tapos nagharutan na kami.

"Ay sorry po." and sabi ko ito kasing si Jam ang kulit may nabunggo tuloy kami.

Paglingon ko!

0______0

WHAT!!! Si _________?

Jam's P.O.V

OMG! Tama ba 'tong nakikita ko? O baka nanaginip lang ako?

"Jam ikaw na mag-sorry, ikaw naman may kasalanan dahil kinukulit mo ko" bigla na lang nagbalik ang katinuan ko nung magsalita si Maya.

I can't believe it! Nasa harapan ko na mismo si Ian! Grabe ang gwapo niya talaga!

"Hoy Jam!" kalabit sa akin ni Maya.

"Ha? Ah!" utal na sagot ko.
"Hindi sige okay lang you don't to say sorry." ang sabi ni Ian at sabay ngiti.

What? Kanino siya ngumiti? Sa akin ba? O kay Maya? Hindi, I'm sure sa akin! Oo tama! Sa akin nga siya ngumiti! Obvious ba sa akin siya nakatingin! Gosh! Ang gwapo niya talaga! Super as in!

"Hoy! Para kang nakakita dyan ng multo at na-freeze ka na!" sabi ni Maya.

"Ha?" "Nasaan na siya?"

"Naku kanina pa kaya siya nakaalis"

"Nakita mo ba yon? Ha Maya? Nginitian niya ko as in!!"

"Ewan ko sa'yo Jam"

"Tara sundan natin sila!" sabay hatak ko kay Maya.

Tumakbo kami pababa ng hagdan para mahabol namin sila Ian.

"Bilisan mo naman Maya!" pagmamadali ko sa kanya.

"Teka lang naman, kung makahabol naman kasi." hahaha sorry naman.

"Sus akala mo naman pag si Charlie ang hinahabol mas mabilis pa sa alas kwatro kng makatakbo ka" pabiro kong sabi.

"Hoy Jam wqg ka ngang ganyan baka may makarinig sa'yo mamaya kung ano pang isipin nila."

"Oo na basta bilisan na lang natin"

Kaya nagpatuloy pa rin kami sa pagtakbo hangga't sa makitana nga namin sila Ian."

"Maya tingnan mo, ayon sila oh!" turo ko.

"Oo nga noh! Pero sandali si Charlie yon di ba?"

"Yup!"

" Hala Jam baka narinig niya yung sinabi mo kanina?"

"Ha? Ano ka ba hindi yan."

Kasalukuyan na kaming nakaupo ngayon sa may waiting shed at sa di kalayuan natatanaw namin sila Ian.

"Pano kung narnig niya?"

"Hello? As if naman! Eh ang layo-layo na nila non."

"Eh ang lakas kaya ng boses mo kanina"

"Don't worry Maya no one heard it! okay?"

"Ewan! Ginagaya mo na naman sila Megan."

"Hahaha! Gaya ko na ba?"

"Oo noh!"

Hay gwapo niya talaga compared naman sa ex ko na si Jay-r. Ay speaking of Jay-r nga pala, hindi ko alam ha kung sinusundan ba ko ng lokong yon. Pano kasi nung lumipat ako dito sa section nila Maya aba nagpalipat rin siya. Ewan ko sa kanya. Actually di nga kami nagpapansinan. Nga pala wla pang alam si Maya about sa past naming dalawa wala pa kasi akong magandang timing para mapag-usapan namin yon.

High School MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon