Chapter 12

39 1 0
                                    

Kasalukuyan kaming nasa grocery ni Joy para bumili ng ibabaon namin for tomorrow.

Bukas na kasi yung recollection namin and mahabahaba yung byahe namin that's why we need to 

buy some foods para kainin while travelling. 

Snacks lang ang kailangan naming bilhin kasi provided na nila yung lunch and merienda namin.

One day lang ang recollection namin kaya hindi gaanong marami ang dapat naming dalhin.

Hindi ko pa nakakausap si Sir Jake absent kasi siya kahapon

until now ang sabi nila nagkasakit daw si Sir and baka hindi pa sigurado

na makakasama siya sa amin tomorrow.

Wrong timing naman yung sakit ni Sir.

Sana maging okay na yung pakiramdam niya

para makasama namin siya.

"Hi girls!" sila Megan pala nandito rin.

"Hello" ang sabi naman ni Joy.

"Nandito ba kayo to buy some baon?" tanong ni Sheena sa amin.

"Oo!" sagot ni Joy, "kayo rin ba?"

"Yeah were here para bumili ng baon actually were almost done na nga"

tapos nakita namin yung push cart na nasa likod nila, "here oh!"

"Wow ang dami niyo atang baon?" pansin ko lang.

"Oo nga eh and were really excited for tomorrow." Sabi ni Lauren.

"Tama excited na kami especially don sa activity na gagawin natin"

Buti pa sila excited, samantalang ako hindi.

Pano kasi okay na okay para sa kanila yung mga kapartner nila.

"By the way Maya I heard na si Raphael yung kapartner mo? Is it true?"

tanong ni Megan sa akin.

"Oo siya nga yung kapartner nitong si Maya." sabi ni Joy.

"So tama nga, eh ano naman yung prinepare niyo for tomorrow's activity?" Tanong ulit ni Megan.

"Ah--eh...:" hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.

"Don't tell us Maya you're not yet prepared?" si Kat yon.

"Ah sa totoo lang si Raphael kasi yung..."

Nahinto ako sa pagsasalita nang biglang may tumunog na cellphone. 

"Oh we're here at the grocery, yeah tapos na nga kami." ang sabi ni Sheena sa kausap niya sa cellphone.

"Who's that?" tanong sa kanya ni Lauren.

"Si Dan, nandon raw siya sa may parking lot" sagot sa kanya ni Sheena.

High School MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon