Chapter 4

119 4 0
                                    

Pagkatapos kumain ng dinner pumasok na ko sa kwarto ko.

And then naisip kong gumawa ng Diary.

Tama gagawa ako ng Diary ko.

Kumuha ako sa drawer ko ng extra notebook ko

and nilagyan ko ng design para naman sipagin akong magsulat.

Ayan okay na ang Diary ko!

Dear Diary,

                This is the first time na nagsulat ako sa Diary. I hope I could always update here.Para naman malaman mo lahat ng nangyayari sa kin..:)) Alam mo ba first day of school namin kanina. Sobrang nahihiya ako and kinakabahan. Natatakot ako kasi alam kong ibang level na ang pagiging high school unlike nung grade school pa lang ako.

                Nga pala napakalungkot ko ngayon kasi hindi kami magkaklase ni Jam. Umiyak nga ko sa harapan niya kasi di ko na talaga kaya. Pero alam mo pinagaan niya yung loob ko pati rin si Mama. Tama si Mama hindi dapat ako malungkot kasi magkikita and magkakausap pa rin naman kami araw-araw. Mas okay na nga ‘to kesa nung last year na hindi ko man lang siya nakakausap. Sana maging okay ang lahat!!

                Bye!

                                                                                                                                                                                                                     Maya:)

Kinabukasan maaga akong nagising excited ako

kasi alam kong makikita ko si Jam.

Naligo at kumain na ko.

Tapos hinatid na kami ulit ni Papa sa school.

Napansin kaagad ni Jam yung ngiti sa mukha ko nung nagpunta ko sa room nila.

“Ang saya mo ata ngayon?” nakangiti rin na tanong niya sa kin.

“Wala lang masaya lang ako”

“Sus ikaw talaga!”

Natapos ang isang buong araw na may ngiti sa mukha ko.

Nag-lesson na kami sa iba naming subject.

Yung iba naman nagpa-seatwork.

Saan ka pa may seatwork na second day pa lang.

Hindi naman mahirap yung seatwork namin

actually tungkol lang siya sa summer vacation namin,

kung ano yung ginawa namin right after the graduation

and then yung mga naging preparation namin for this school year

aside from the fact that were heading to another level of education.

Tapos yung ibang teachers tinanong kami kung ano raw

yung mga expectations namin sa subject na yon.

Hay as usual “to learn a lot of things related sa subject na ‘to”

usually naman ganun ang sagot.

May iba pang nagsabi na sana raw hindi daw maging

madamot or kuripot sa pagbibigay ng grade yung teacher namin.

Ayos rin eh noh?

Naninigurado na sila!

Magkasama nga pala kami ni Jam kaninang recess time and lunch break.

Kaya medyo okay na ko.

Napag-usapan na kasi namin yon na lagi na kaming magkasabay

tulad ng ginagawa namin nung elem. pa kami.

Halos two months na ang nakalipas medyo nakakapag-adapt

na ko sa new environment ko.

Although, I noticed some differences

pero okay lang nakakapag-adjust rin naman ako kaagad.

Nga pala masaya ko dahil marami ng nakakapansin sa min ni Jam.

Dahil sa two months na lagi raw kaming magkasama.

Minsan nga my classmates were asking me sino daw ba yung lagi kong kasama?

Kapatid ko daw or pinsan?

Sabi pa nga ng iba mukha na raw kaming kambal.

Kambal-tuko raw kasi kami!

Kapag pinag-uusapan nga namin ni Jam yung

mga tinatanong nila sa min natatawa na lang kami.

Pero alam kong hindi rin magtatagal that we would give up.

Pano kasi dumadalas na yung mga oras na hindi na kami nagkakasabay

lalo na ngayon malapit na yung language week namin.

Minsan kasi dahil sa mga practice  nade-delay  ang isa sa min na kumain

kapag recess and lunch kaya tuloy yung isa sa min mag-isa na lang kumakain.

Minsan kasi nag-oovertime kami kapag oras ng practice

kaya ina-adjust na lang ng adviser namin yung oras ng pagkain namin.

Buong month kasi ng August halos practice lang at preparations

ang ginagawa namin for the the language week.

Pinaghahandaan talaga ‘to ng mga teachers and students.

May labanan kasi dito ng mga mgakaka-year level.

Syempre kung sinong pinaka-magaling siya ang mananalo.

Maraming contest ang pwedeng salihan.

Merong essay writing, maikling kwento, poem contest,

slogan, declamation, speech choir and singing contest.

Syempre yung inaabangan ng lahat ay yung Mr. and Ms. Lakambini.

Excited ang lahat dahil bukod sa walang klase ng two weeks

inaabangan rin kung sino ang mga mananalo sa speech choir.

 -->A/N: dahil sa kagustuhan nila Maya and Jam na magkasama, aba nagpapakahirap pa sila. Friends forever nga naman talaga? Sa tingin niyo tatagal kaya sila ng ganyan?

Sana po hindi pa kayo bored sa pagbabasa nito. Marami pa pong mangyayari sa high school life ni Mya. Kaya abangan niyo yan..:))

Thanks ulit sa mga nag-reads..:))

||saymer

High School MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon