Chapter 2

142 4 0
                                    

Dumating na yung adviser namin pinapapunta niya na kami sa quadrangle.

Before kami umalis ng room pumila muna kami at naka-fall in line kaming lumabas.

Pansin ko lang bakit yung ibang mga estudyante watak-watak?

I mean hindi sila nakapila?

Nag-start na ang Flag Ceremony namin.

After non nagsalita na yung Principal namin para i-welcome kaming mga Freshmen.

Pinaalalahanan pa nga kami na huwag raw sana kaming tubuan ng

sungay tulad ng mga Seniors.

Pero dinaan niya lang yon sa joke.

Nagtawanan tuloy yung mga estudyante.

I-enjoy daw namin ang pag-stay dito sa East-west College.

“Sana nga ma-enjoy ko”, ang sabi ko sa sarili ko.

After ng speech ni Principal bumalik na kami sa classroom namin.

Teka sandali si Jam yon ah!!

Siya ba talaga yon? 

Hindi baka guni-guni ko lang.

--_____--

Pumasok na yung adviser namin sa room.

Si Sir Jake Ramirez pala ang name niya.

“Tulad ng sinabi ni Mr. Principal i-enjoy niyo ang pag-stay dito sa school ah.

Kaya welcome to East-west College!” tapos nagsigawan at nagpalakpakan

yung iba kong classmate.

Astig rin ‘tong adviser namin mukhang makakasundo namin siya.

“So far wala pa tayong permanent seating arrangement kaya

your free kung saan at kung sino ang gusto niyong makatabi

para magkaron kayo ng mga kaibigan dito. Alam kong yung iba sa

inyo magkakakilala na dahil sa kabilang building lang sila galing

pero karamihan sa inyo hindi pa magkakakilala. Sana maging close

kayo sa isa’t isa ah!” dagdag ni Sir Jake.

Oo tama nga siya mga sampu ata yung classmate ko nung elem na classmate ko rin ngayon.

“Nga pala next time, no need for you to fall in line para

pumunta ng quadrangle para sa Flag Ceremony.

Remenber you’re not a grade school student.

You’re already high school. Okay?” pahabol ni Sir.

“Yes Sir!” sagot namin sa kanya.

Ganun pala pag high school na, hindi na kailangan pumila

sa loob ng room bago pumunta ng quadrangle.

Kaya pala yung iba kanya-kanya lang kanina.

Tapos pag high school pala hindi na teacher ang tawag

kundi “Sir” and “Ma’am” na.

Ngayon pa lang nararamdaman ko na yung mga pagbabago.

Nag-start na ang klase namin wala pa kaming gaanong ginawa kasi first day pa lang ng school.

As usual nagpakilala lang kami isa-isa sa harap.

Yung tipong sasabihin mo:

“Hi! My name is Rheena Maya F. Angeles.

Just call me Maya for short.

I live at 3D Block Flores St. Villa Encarnacion….

I graduated at South-east University.

My hobbies are reading, drawing and writing.”

Basta puro ganyan yung pagpapakilala namin.

After three subjects break time na namin.

Naisip ko na naman si Jam nasaan kaya yon?

+___________+

Hindi ako makalabas ng room ng mag-isa.

Nahihiya kasi ako baka isipin nila loner ako....

-->A/N: ganyan rin po ba yung na-feel niyo nung first day high niyo? :))

O tulad rin ba kayo ni Maya na parang loner? Kinabahan din ba kayo? Di niyo rin ba alam kung sino yung magiging friends niyo? Excited rin ba kayo non? O yung tipong wala kayong pakialam?... Sana po nagustuhan niyo ang pagbabasa ng story ko... I'm not forcing you to vote for my works but if you like, much better po... thanks for reading... sana po ipagpatuloy niyo lang po ang pagbabasa... Salamat...:))

||saymer

High School MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon