Chapter 22

27 0 0
                                    

Maya's P.O.V

"Sino pa ba? edi si Melai!" paulit-ulit ko pa ring naririnig ang sinabi ni Kevin sa amin. Ewan ko ba kung bakit parang nanlamig ang buong katawan ko. Yung feeling na parang nakarinig ka ng masamang balita. Bumalik lang ang katinuan ko ng marinig ko si Megan nagsalita.

"You mean yung classmate natin si Melissa?" tanong ni Megan kay Patrick.

"Ah..." matagal bago nakasagot si Patrick. "Oo siya nga."

"So what are your plans?" tanong ulit ni Megan sa kanya.

Lahat sila nakatuon ang pansin sa isasagot ni Patrick, lahat sila interesado. Pero ako, bakit ganito?

"Okay ka lang?" pabulong na tanong sa akin ni Jam habang ang lahat ay inaantay ang isasagot ni Patrick.

Sumenyas na lang ako kay Jam na okay lang ako. Parang sira talaga 'tong best friend kong 'to. Tama bang tanungin ako kung okay lang ako sa mga ganitong pagkakataon.

"Tinatanong pa ba yan Megan? Syempre ano bang dapat gawin kapag tinatawagan ng isang lalaki si babae?" agaw naman nitong si Kevin.

"Really? You're planning to court her?" nakangiting tanong ni Megan at hinawak-hawakan pa sa braso si Patrick.

Tumawa muna si Patrick bago siya nagsalita, "Ah, oo, gusto ko siyang ligawan"

"Ikaw Pat ah! Di ka man lang nagsasabi sa amin akala namin kayo na ni Maya hanggang sa huli eh" sira talaga 'to si Joy ano bang pinagsasabi niya. Pambihira naman oh! Bakit ganito ko parang bumilis tuloy ang tibok ng puso ko.

"Uy Joy! Wag kang ganyan, baka mamaya maiyak niyan ang baby natin" pang-aasar ni Karmi. Hindi ko na talaga mapigilan 'tong lakas ng tibok ng puso ko.

"Lalabas lang ako ah! May titingnan lang ako saglit." paalam ko sa kanila at tumayo na ko sa kinauupuan ko.

"Maya wait you're not yet finish sa kinakain mo" pigil sa akin ni Megan.

"Ha? Eh? Busog na ko eh! Sige ah text mo na lang ako Jam." at tuluyan na nga kong lumabas sa kinakainan namin di ko na inantay pang sumagot si Jam. Naku di ko naman alam ngayon kung saan ako pupunta. Saan nga ba?


Jam's P.O.V

Masaya na sana kami kundi lang nag-emote kanina ang kaibigan ko. Ano kayang nangyari don? If I know affected yon sa nalaman namin kanina. Pano kasi may plano na pa lang ligawan ni Pat ang classmate namin na si Melai. Naku sabi na nga ba may lihim na pagtingin yung kaibigan ko na yon kay Pat. Kahit di niya sabihin ramdam ko yon, what are friends are for ika nga. Sa kilos pa lang niya este nilang dalawa kahit pa sabihin nilang 'we're just friends!' imposible! Eh kaya nga nagalit sa amin si Pat nung intrums kasi nalaman niya na may crush na si Maya don kay Charlie. Aba'y idamay daw ba ko sa drama nilang dalawa. Pero okay na kami ni Pat kinausap nga niya ko kanina kaso lang tinanong niya lang kung may sakit si Maya. Sus concern pa daw, eh may Melai na siya ah! Hay ewan ko sa kanila.

Pagpasok ko kinabukasan laking gulat ko na pinag-uusapan ako ng mga classmates ko. Pano ko nalaman? Syempre dinig na dinig ko kaya, eto pa nga sabi nung isa "Talaga? Uy ayan na siya!" Obvious naman na ako ang tinutukoy nila kasi nakatingin pa siya sa akin.

"Maya anong meron?" tanong ko sa kanya habang binababa ko yung bag ko. "Bakit parang este ako ata ang pinag-uusapan nila?"

"Ewan ko sa'yo!", wow ang ganda ng sagot niya ah umagang-umaga nangiinis na 'tong kaibigan ko.

"Ah ganun, kaya nga ikaw ang tinatanong ko dahil hindi ko alam ang dahilan kung bakit nila ko pinag-uusapan." take note hindi ako galit niyan nagpapaliwanag lang.

High School MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon