Chapter 19

8 0 0
                                    

Jam's P.O.V.

This past few days madalas ko ng napapansin ang best friend ko

na laging tulala at mukhang malalim ang iniisip.

Bakit kaya?

Minsan kasi kapag nagtatawanan ang buong barakada parang lagi siyang out of place.

Tapos bigla na lang siya magugulat kapag nakatingin na kami sa kanya.

Ewan ko ba don.

"Jam! Tara halika dito!" hatak sa akin ni Maya.


"Bakit? Kung makahatak ka naman." ang sakit kaya tapos nagulat pa ko.


Naglalakad kami ngayon sa may hallway tapos bigla niya na lang akong hinatak papunta sa may CR.


"Sorry eh kasi..." ang sabi niya na parang nakakita siya ng multo.


"Ano bang nangyayari sa'yo ha?" takang tanong ko sa kanya.


Tapos pinasilip niya ko sa may pinto para tingnan kung sino yung nasa labas. "Tingan mo"


Nagulat ako kasi nasa labas pala yung crush ni Maya na si Charlie.


"Pano mo naman nalaman na nandyan sila I mean paparating sila?"

nakakagulat lang kasi kanina nung naglalakad kami wala naman ibang tao kundi kami lang.

"Syempre ako pa, malakas kaya ang instincts ko."

"Sira ka talaga"

"Tingnan mo Jam di ba si Ian yon?" turo niya.

"Ha? Oo nga noh!" napangiti naman ako sa nakita ko.


Si Ian nga pala ay.... syempre alam mo na :-)


Hahaha! Crusssh ko!!


Friend siya ni Charlie (yung crush ni Maya)and at the same time mag-classmate rin sila.

Oh di ba parang kami lang rin ni Maya.

"Jam umalis na sila"


"Tara sundan natin" ang sabi ko kay Maya.


"Ha? Ano ka ba bakit naman natin sila susundan?"


"Wala lang. Hahaha!" ano ba 'tong naiisip ko ngayon para akong sira.


"Tara na nga" sabi ni Maya at lumabas na nga kami ng CR para sundan sila.


"Sus gusto mo rin pala sila sundan. Nahihiya ka pa."


Para kaming ewan ng kaibigan ko sinusundan namin yung mga taong

walang kaalam-alam na may lihim kaming pagtingin sa kanila.


Habang sinusundan namin sila kinakabahan kami ni Maya na baka mahuli nila kami.

Kapag lumingon sila o maski huminto nagtatago kami.

High School MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon