Chapter 9

94 3 0
                                    

Jam’s P.O.V

Ako nga pala si Jamilla Co.

Pero mas kilala ako as Jam.

Hindi coconut jam or strawberry jam ah!

Jam lang talaga.

Hindi ko alam kung may lahi kaming intsik

pero hindi naman singkit yung mga mata namin eh.

Siguro dahil lang yon sa mga ancestors ni Papa.

Kaibigan nga pala ako ni Maya since grade school pa.

I’m not expecting nga na tatagal ng ganito ang friendship naming dalawa.

Pano kasi lumipat kasi siya sa ibang school nung grade six kami.

Sobrang nalungkot ako nung time na yon

kasi nasanay ako na siya lagi yung kasama ko

and all of a sudden mawawala siya na parang bula sa tabi ko. 

Nakahanap man ako ng kaibigan pero iba pa rin yung kay Maya.

Nung nawala siya lagi na lang ako inaasar nila Gelo at Rald,

Wala na tuloy nagtatanggol sa akin.

Nagulat nga silang lahat nung nawala si Maya,

Marami tuloy nagtatanong sa akin kung bakit siya nag-transfer sa ibang school.

Ang alam ko kasi may connection yung Papa niya sa nilipatan niya na school.

Maski si Patrick na nangaasar rin sa amin ni Maya

nagtatanong rin kung nasaan yung kaibibigan ko.

Kung may source of communication pa raw ba kami or

kung may chance pa na magkikita kami.

Ewan ko ba don kay Patrick kung bakit ang dami niyang tanong sa akin

tungkol sa kaibigan ko eh.

Actually nagtatawagan kami non dati pero super dalang

siguro mga isang beses sa isang buwan.

Minsan kasi kapag tatawagan ko siya,

minsan wala siya sa bahay nila umalis raw

o di kaya naman tulog

o minsan naman busy

o kumakain.

Ngayong high school na kami bumalik ulit siya sa school namin,

sa East- West College.

Excited nga ko nung nakita namin siya ni Papa nung enrollment

with her Mom at nalaman ko na magkaklase kami.

Unfortunately,

nagkamali lang pala ko ng pagkakarinig.

Hay ang bingi ko kasi yan tuloy hindi kami naging magkaklase.

Nalungkot tuloy ako bigla pero hindi ko na lang pinapakita at pinaparamdam sa kanya.

 Napunta ako sa isang section na kung saan marami akong kakilala

kasi halos lahat ng mga naging kaklase ko nung grade school ay mga kaklase ko rin ngayon.

Kaya naman madali akong nakapag-adjust.

Hindi tulad ng kaibigan ko na si Maya.

Alam kong napakamahiyain niyang tao.

High School MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon