Chapter 6

69 3 0
                                    

At don ko nakilala ang seatmate ko na si Joy.

Inayos na kasi ni Sir Jake yung seating arrangement namin before mag-language week kaya yon.

Mabait, palabiro, masayahin at friendly si Joy.

Nung first month pa lang na notice ko na halos lahat ng mga classmates namin

ay kinakausap siya and napaka-approachable niya.

Actually siya nga yung unang nag-approach sa kin nung seatmate na kami.

Nung una nahihiya ako sa kanya pero as time goes by

naging normal na yung pakikitungo ko sa kanya.

Aside from her nakakadaldalan ko na rin yung mga dati kong classmate nung elem.

like Patrick and Kevin (special mention talaga?)

Not only them but also my new classmates’ rin.

Kaso hindi lahat nakaka-usap ko may ilan pa rin na nahihiya akong kausapin.

Hindi dahil sa nahihiya ako pero hindi ko kasi carry yung level nila,

I mean parang they are mature enough para sa age namin.

May mga classmate kasi kami na hindi talaga maitatago

na maarte sila kasi sa kilos pa lang malalaman mo na

o sabihin na lang natin na they’re very conscious to thereselves.

Tinutukoy ko eh yung grupo nila Megan

kasama niya don sila Lauren, Sheena  and Kat.

Nabuo yung grupo nila kasi pare-pareho sila ng pag-uugali.

Magaganda at mapuputi sila kaya lapitin sila ng mga boys sa school.

Lagi ngang maraming sumisilip sa room namin para lang sulyapan ang beauty nila.

Si Megan ang naging muse namin sa Mr. and Ms. Lakambini nung Language Week.

Escort niya si Raphael yung gwapo raw naming classmate.

Sa totoo lang hindi ako napopogian sa kanya.

Hindi siya handsome para sa akin J.

Muntik na sana silang manalo kaso pumalpak sa Q and A etong si Megan

kaya minus points yon para sa kanila.

Tingin ko kinabahan rin siya nung mga oras na yon

kaya hindi siya naka-sagot kaagad sayang maganda pa naman siya.

Kahit na natalo siya nadagdagan pa lalo yung admirers niya because of that competition.

“Sayang noh natalo si Megan.” sabi sa kin ni Joy habang inaantay ang

teacher namin for our next subject.

“Oo nga eh pero…” hindi ko na natuloy yung sinasabi ko kasi nasa

likod na ni Joy ang grupo nila Megan.

“Pero ano Maya?” nagtatakang tanong ni Joy. “Yon lang hindi pa niya nasagot.”

Gusto ko sanang sabihan si Joy na tumigil na kaso huli na ang lahat kaya

wala rin akong magawa.

“Actually it’s not her fault kung bakit siya natalo sa competition na yon”

sabi ni Sheena na ikinagulat ni Joy.

“It’s because of the judges! They don’t have considerations noh.” patuloy ni Kat.

“Tama ka dyan girl!” sgot naman ni Lauren.

“Obvious naman I got the highest points on the signature campaign” sabi naman

ni Megan at nagtaas pa ng kilay kay Joy.

“Sorry hindi naman yon ang gustong sabihin ni Joy”,

for the very first time nakausap ko na rin sila ng harapan.

Nagawa ko rin sa wakas!

“Look girls, hindi kami lumapit dito to start a fight and

make a big scandal or issue na naman!

Ang amin lang sana stop talking about that unconsiderate competition.

Kasi hindi lang naman si Megan ang napahiya don.

Kundi buong section natin.

Remember she’s our representative.” si Lauren.

“Yeah Lauren’s right! So much better na lang to keep your mouth shot and be sports.

It’s just a competition. Kung si Megan nga nakapag-move on na sana kayo rin!”

pagtatanggol rin ni Kat sa kaibigan.

“It’s okay girls let’s go!” hinawakan na ni Megan sila Lauren

para umalis na sa harap namin.

Ngayon ko lang na-realize na na may mabuti rin pala silang ugali.

Pinagtatanggol nila yung friend nila kaso hindi naman tama yung reason

nila na kasalanan ng judges kung bakit natalo si Megan.

Kasi kahit na si Megan ang may pinaka-mataas na points sa

votes mas mataas pa rin ang percentage ng Q and A.

Hindi lang basta beauty contest yon kundi brain din.

Sabagay tama rin naman sila hindi na dapat namin pinag-uusapan yon

kasi halos isang linggo na rin ang lumipas eh.

Ito kasing si Joy eh inopen pa yung topic na yon.

Infairness I did a great job!

Nakausap ko rin sila, I thought matatapos na lang ang school year na ‘to

na hindi ko sila makakausap.

Yon nga lang not in a good situation.

Pero ayos lang unang beses pa lang naman ang mahalaga natabunan

na yung first impression ko sa kanila.

Siguro I need to know them better before ko i-judge ang pagka-tao nila.

High School MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon