Chapter 13

29 1 0
                                    

Madaling araw palang ginising na ko ni Mama. Naligo na ko at kumain ng breakfast .

Tulog pa si Yesha kasi masyado pang maaga kaya ako lang mag-isa ang hinatid ni Papa sa school.

Grabe ang aga naman nilang magsidatingan hindi halatang excited sila ah.

Dalawang bus ang naka-park sa may quadrangle namin.

Kasabay nga pala namin yung section nila Jam.

Nasa classroom kami ngayon para antayin kung papasok ba si Sir Jake ngayon.

Sana pumasok siya. :-)

Biglang bumukas yung pinto ng room namin.

"Good morning!"

"Sir!" sigaw ng isa naming kaklase.

Tapos lahat kami nagsilapitan sa kanya. Na-miss rin ata siya nung mga kaklase namin.

"Sir Jake magaling na po kayo?" tanong ni Megan kay Sir.

"Ay hindi kaya nga nandito si Sir" pilyong sabi ni Kevin.

"Hay naku hindi naman ikaw ang tinatanong ko eh!" tinarayan tuloy siya ni Megan.

"Tama na nga yan ang aga-aga nagbabangayan kayo" saway ni Sir Jake sa kanila. "Mabuti pa kunin niyo na yung mga dala niyo at pupunta na tayo sa quadrangle."

"Yes Sir!" ang sabi namin at kanya-kanyang bitbit na nga kami ng mga dala namin.

Yung iba sa amin ang daming dala tulad nitong si Joy,

akala mo isang linggo mawawala eh napakaraming baon.

Isang backpack at paper bag lang ang dala ko ayoko kasi ng maraming bitbit

atska di rin ako nagbaon ng marami kasi si Joy na ang bahala pag nagutom ako.

"Guys!" tawag sa amin ng president namin sa klase.

"Ang sabi ni Mr. Principal yung magkaka-partner raw ng magkakatabi sa bus

para may time pa na mag-usap kasi pag nandon na tayo sa venue bawal na ang mag-usap.

Okay ba yon?"

Ano? Tama bang narinig ko? Magkakapartner raw ang magkatabi?

Hay bakit ganun? Ayoko siyang katabi!

Baka liparin ako sa sobrang hangin ng taong yon!

"Pano ba yan Maya hindi tayo makatabi? Don't worry aabutan na lang kita ng food ko!" si Joy yon habang paakyat ng bus, si Kevin nga pala ang partner niya kaya no prob siya.

"Next si Maya and Raphael!" ang sabi ni president.

Ano pa nga bang magagawa ko edi pumasok na ko sa bus.

"Sa may bintana ako!" ang sabi niya.

High School MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon