Chapter 8

95 2 0
                                    

“Ha?! Wag yan!” yung diary ko pala yung nakita niya!

“Bakit naman?” inaagaw ko sa kanya yung Diary ko

pero ayaw niyang talga ibigay sa akin.

“Kaw talaga! Diary ko yan!” nakatingin na lang ako sa kanya

habang binubuklat niya yung mga pages nung diary ko.

“Bakit? Siguro may tinatago ka na sa akin noh?

May secret ba dito?” tanong niya sa akin.

Okay lang wala naman akong sikreto don na sinulat na hindi niya alam.

Maliban na lang yung kay ______!

Patay ako makikita niya yon!

“Ano ‘to?” tapos binasa niya yung nakasulat.

Mukhang nakita na nga niya.

“Naiilang pa rin ako sa kanya. Everytime na kakausapin niya ko?”

“Sino naman ‘tong tinutukoy mo dito ah?”

“Ah wala yan!” Hahaha ang bulag naman nitong kaibigan ko

na ‘to nandon na nga yung pangalan eh.

“Anong wala?” sabi niya at pinandilatan pa ko ng mga mata niya.

“Hay naku! Nakalagay na nga dyan di ba?” tapos tinuro ko yung diary ko.

“Obvious na obvious na oh! Tutuklawin ka na!”

“Hahaha eto pala! Hahaha pasensya na di ko nakita”

“Bulag ka talaga!” tapos nag-cross arms ako.

“Bakit may gusto ka ba sa kanya?

Crush mo siya noh?” hinawak-hawakan niya pa yung braso ko

para pilitin akong sumagot. “Don’t tell me!”

“Ssshh wag ka ngang maingay dyan baka marinig ka nila Papa”

tinakpan ko yung bibig niya.

Ang ingay kasi eh.

Halos marinig na sa labas ata ang boses niya.

“Tell me…!” paulit-ulit niyang sabi.

Ang kulit talaga nitong kaibigan ko na ‘to.

“Okay. Fine!”

“Fine na ano?

Does it mean Yes?!

As in crush mo nga siya?”

sabi niya tapos todo titig sa mga mata ko.

Yon kasi yung ginagawa namin para mahuli namin

kung nagsisinungaling ang isa sa amin.

“Hindi noh! Hindi ko sya crush!”

“Sus kunwari ka pa dyan.”

“Promise hindi ko talaga siya gusto ever since” paninigurado ko sa kanya.

“Talaga? Eh bakit ka naiilang sa kanya?” tanong niya sa akin.

“Ewan ko ba. Pano kasi…”

“Kasi tinutukso ka naman nila sa kanya”

“Oo. Hindi ko nga alam bakit until now kaming dalawa

pa rin ang pinag-didiskitahan ng mga classmates ko.”

“Naku hindi na ko magugulat dyan.” nakangiting sabi ni Jam na parang may ibig sabihin.

“Knock! Knock! Knock!”

High School MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon