PART 4

10 0 0
                                    

Months passed. All along, I kept thinking, there must be something wrong with me. We were so perfect, then. Planado na lahat e. When to get married, where to buy a house, what to name the kids. Tapos, ganto? Sinisi ko ang sarili ko sa napakahabang panahon. Maybe I was too attached. Baka masyado akong makulit. Baka masyado akong naging selfish.. Baka masyado ko siyang minahal...

When I saw myself drowning from misery, I started acting up. It's my life. Responsibilidad ko kung ano man ang kahahantungan ko. Hindi nya dapat masabi someday ang mga katagang "Buti na lang, iniwan ko sya.." Hindi pwede.

I took the PUPCET. I passed.

During my celebration, I gave myself false hopes like kakatok siya sa pinto and say, "Congratulations, baby! I'm so proud of you!", tapos yayakapin ako tapos happy ending na. Pero, baka naman wala talagang happy ending sa totoong buhay. Kasi ilang holidays na ang lumipas, isama na ang valentines day, wala namang ibang kumatok sa pinto ng bahay namin kundi yung collector ng appliance na kinuha ni mama ng installment. I stopped hoping na magpaparamdam pa siya.

I was starting to get my pieces back together nang sa hindi ko na matandaang kadahilanan ay nagkaroon ulit kami ng communication.. Alam ko sasabihin nyo napakatanga ko na, kasi hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang pag-asa na magkakabalikan pa kami. He was my first real love. At tulad nga ng madalas na sinasabi sa mga romantic movies, kapag nakita mo na ang true love mo, wag mo nang pakawalan. Once in a lifetime lang daw kasi yun..

So guess what? For the Nth time, umasa na naman ako. Madalas ko na naman syang itinetext. Nagrereply naman sya. Padaan ng GMs, ganun. Naging friends nga ulit kami sa facebook e. Ilang beses pa kaming nagtetris battle nun.

Until one night. Sumeryoso na naman ang usapan namin..

Naglakas loob na akong magtanong..

"Wala na ba talagang pag-asa?"

Sumagot siya..

"Meron pa naman.."

Sobrang nabuhayan ako ng loob that time. Kahit ano, kahit ano gagawin ko. Mabalik lang kami sa dati.. Dali dali akong nagreply..

"Anong pwede kong gawin?"

"Ibalik mo lahat sa dati...."

Nung mga oras na yan, gusto ko na sungkitin yung mga stars sa langit para magwish na makapagtime travel, o kaya may makapag-imbento ng time machine. Kaso may problema. Walang stars that night..

How A Perfect Love Goes WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon