PART 3

23 1 0
                                    

Iniyakan ko yan for months. Hindi na ko nakapag-focus ng maayos sa studies ko. Yung class standing ko bumagsak na.. Alam mo yung feeling na sobra kang lost kasi nawala yung pinakamalaking part ng buhay mo? Your whole world shattered into pieces.. Hindi mo alam kung san ka magsisimula. Ayaw mong kumain, takot kang matulog kasi baka mapanaginipan mo sya at mag-iiyak ka na naman. Pag may nauusong love songs, iiyak ka na naman at sasabihin mo sa sarili mong "Bakit pa nauso yan kung kelan wala na sya?" o kaya naman, kapag nakakakita ka ng couples, wala sa sariling nasasabi mo ang mga katagang "Ganyan din kami dati.. Pero tgnan mo ngayon?" at ang mapait na statement na, "Magbbreak din sila.." Kasunod nun ang matalim na titig ng magjowang nakita mo. Tapos sasabihin sayo habang nakakatitig sa mga mata mo ang salitang "BITTER."

Papalapit na ang debut party ng bestfriend ko. Tinext nya ko, saying, "Isasama ko sya sa 18 wines. Magbehave ka. Don't do anything stupid or else..."

Naguluhan ako sa naramdaman ko. Natatakot ba ko kasi baka may date sya? Excited na magkikita ulit kami at may pag-asa pang maayos lahat? Malungkot na hindi na kami magkasamang aattend nung party? Masaya kasi makikita ko na uli sya after how many months?

That was November 26. 9 days before my birthday. Gabi ng party. Hinayaan ako ng bestfriend ko na magsama ng isang kaibigan para may magbantay sa akin at pumigil para gumawa ako ng katangahan. Kasama ko din that time ang pinsan ng pinsan ko na matagal nang nanliligaw sa bestfriend ko. Since ako yung bestfriend, ako yung roasting part. I had to be there by 3PM para tulungan sila na mag-ayos ng mga kailangan. All the while, kapag may dumadating na sasakyan, napapalingon ako. Sobrang kaba. Baka siya na.

Napansin ni bestfriend yun, kaya naman bilang napakabuting kaibigan, ako ang pinacheck nya ng attendance sheet ng mga taong kasali sa program like 18 candles, treasures, wines. Bait nya di ba?

Nagsstart na ang program when I saw him. From the stairs papunta ng event hall. Iniwas ko yung tingin ko nung nagsimula syang tumingin sa paligid. He sat next to his mom and dad. A few tables away from where I am seated.

It's hard to fight the urge to look at him. Ilang beses kong kinukurot ang sarili kong hita. Medyo nalukot na nga ang dress ko nun.. Napakahirap.

After meals, umikot sya ng event hall to take some pictures. Sya pala kasi ang kinuhang photographer ni bestfriend. Awkward. Ni hindi ako makapagsmile man lang habang tinetake nya yung pictures namin.

Magkasunod ang 18 wines at roasting sa pagkakatanda ko. Habang nagsasalita sya, parang gusto kong magickin yung mga mata ko at gawing camera. To keep this view. To record this moment. While he's raising his glass, tinitigan ko lang yung kamay nya.. Yung ngiti nya.. His built. That used to be mine. All mine. Pero ngayon..

Hindi ko naiwasang mapaluha. Pero mabilis ko ring ibinalik ang composure ko since roasting na ang susunod.

During my part, wala ako sa focus. I just looked at him habang nagsasalita ako. Nakatitig ako sa kubo na kinalalagyan nya. He's not even looking. Ang sakit no?

Tapos na ang program. Uwian na. I was about to congratulate my self for not doing anything stupid. But when I saw him on that gazebo, hindi rin ako nakapagpigil.. I walked to him.. I sat infront.. And there goes the most painful conversation I've ever had in my whole life.

Me: Kamusta ka na?

Him: Okay lang..

Me: Busy pa rin?

Him: Ganun talaga pag nag-aaral..

(Long pause. May ginagawa sya sa phone nya that time..)

Me: Malapit na birthday ko...

Him: I know..

(Looooooooong pause ulit..) Kinakabahan na ko. I wanted to step away na. Para maprevent ang kung ano pa man na maaari kong masabi.. But..

Me: I miss youu.. (I crossed my fingers hoping for a positive response.. Pero..)

Him: I don't..

You couldn't imagine how I looked after I heared his reply. Nagkarera yung mga luha ko sa paglabas sa

mga mata ko hanggang sa pisngi. That was the longest 5 seconds of my life. Ang mag-isip kung itutuloy ko pa ba ang conversation na yun? O wag na dahil baka lalo lang akong masaktan?

I wiped my tears, stood up, waited for him to look at me. Pero hindi nya ginawa. I stepped out of that place. Magbibihis pa sana yung kasama ko pero sabi ko wag na. Alis na kami.

Alam mo yung malas? Sa iisang sasakyan pa kami napasakay papauwi.. Hindi ko sya tinitigan. Pero tuloy-tuloy yung mga luha ko sa pag-alpas sa mga pisngi ko..

Nung nakarating na kami sa tapat ng subdivision, nagdecide ako na maglakad na lang pauwi. Mejo nasa unahan sya at naglalakad din. Ako na lang mag-isa nun.. Sa isip ko, para akong gumagawa ng music video..

I was hoping that he'll stop walking, yayakapin ako, at sasabihing "Sorry, I didn't mean what I said earlier, I miss you too."

Pero yan talaga ang down side ng pag-aassume. Ang madisappoint.

How A Perfect Love Goes WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon