PART 11

3 0 0
                                    

So yun.. Hinatid nya ko sa dorm that night. Hindi ko alam kung paano nangyaring habang naglalakad kami e pumayag ako na hawakan nya yung kamay ko. Pero isa lang ang sigurado. Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos nun. Yung parang nawala yung napakalaking burden na almost a year ko na palang dinadala sa dibdib ko. Yung tulog ko nung gabing yun, yun ang pinakamaginhawang tulog na naranasan ko sa buong buhay ko.

Naging regular ang pagpunta nya sa Dorm para yayain akong lumabas. Siguro, gusto nya talagang makabawi. After ng OJT nya, magtetext sya o tatawag para iconfirm kung may lakad kami. May mga pagkakataon na hanggang 9PM yung klase ko, kaya naman pinagtatawanan ako ng mga dorm mates/class mates ko kasi lakad takbo na ko after class.

Isang beses, niyaya niya akong magsimba sa isang church na malapit sa Star City ang Service. Matagal na kong iniinvite invite dun. Pero hindi ako nagiging regular. Kasi malayo. Nanghihinayang ako sa pamasahe.

That afternoon, pagkatapos ng service, dinare namin ang isa't-isa na lakarin mula PICC hanggang sa Luneta. Hawak kamay naming tinahak ang kahabaan ng Roxas Boulevard. Not the perfect place for some romantic stuffs pero sobrang nagdidiwang ang kalooban ko nun. Kasi naman, ngayon, pwede ko nang aminin sa sarili ko na, OO! After a year and 2 months, eto pa rin ang hinihintay kong mangyari. Napakaimposible lang before.. Akala ko hindi ko na kayang kausapin sya ulit, pero, friends na ulit kami. Masaya nga ba ako?

May kaunting part ng puso ko ang nanghihinayang.. Friends na lang ba talaga? Pero mas malaking part ng pagkatao ko ang thankful. Mahal ko sya. Sobrang mahal ko sya e. Kaya kung hanggang friends na lang, okay na siguro yun. Atleast I still get to see him. Parang ganto. Nakakausap. Nahahawakan. Palihim pa ring minamahal. (Ang arte ko na talaga..)

Pagdating namin sa Luneta, we decided na pumasok dun sa park na may entrance. Late na nun. Mga 8PM siguro. Napagod kasi kami sa paglalakad, and feeling ko marerelax kami sa loob. Babalik sa pagkabata. Kasi maraming mga elephants and lions. Tapos may playground.

Naupo kami sa taas ng isang mala-kweba na palaruan. May mga benches kasi. Nagkwentuhan kami.

Hindi ko alam kung sinadya nya ba ang mga pangyayari ng umunan sya sa balikat ko. Napagod siguro. Malayo-layo kasi yung nilakad namin e. Aarte pa ba ko? Iiwas pa ba at paaayusin sya ng upo?

Ninakaw ko na lang yung mga sandaling yun para gawing dahilan sa pagpaparty ng mga ugat ko. I even strummed his hair.

Tapos..

"Six years.."

He smiled. "Six years lang ah?"

"Yes. Hintayin mo kong maggraduate. Tapos makakuha ng magandang trabaho.. Para may masabi na ko sa parents mo.."

How A Perfect Love Goes WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon