I think February nun ng makapag-isip ako ng tama. I lost my value. Nakalimutan ko na precious din ako. Nakalimutan ko na kailangan ko din ng pagmamahal, higit sa lahat, mula sa sarili ko..
I texted him.. Sabi ko, feeling ko he's too good for me. Hindi na ko aasa.. Bahala nang mangyari ang dpat mangyari after six years..
"You're growing up, Gee." He said..
Tapos yun. Yung communication namin, tuloy tuloy lang. Nagpapadaan sya ng mga GMs and all that. Kamustahan paminsan-minsan..
Ngayon, okay na ko. Mahal ko na yung sarili ko. And yes, I grew up. I made matured decisions about my life, and I am thankful for that. Now, alam ko na sobra sobra nya akong minahal during the relationship, at alam nyang minahal ko sya ng higit pa dun. Pero.. May mga love story talaga na hindi pwede maglast. Siguro dahil, ang reason nya lang talaga sa pag-exist sa buhay mo ay ang ihanda ka sa MAS TAMANG TAO..
Wala akong pinagsisihan sa mga katangahan na ginawa ko jan. I did all these out of love. Hindi ko yun isinumbat sa kanya kasi in the first place, hindi nya hiniling sakin na gawin ko yang mga bagay na yan.. Masaya na ako to know that I am capable of love, at mas handa na ako sa realidad ng buhay.
Ang alam ko, may girlfriend na sya ngayon. Pinutol ko na kasi yung communication namin last summer kaya wala na akong masyadong updates sa kanya. Hindi ko na rin sya nakikita. Pero I am happy for him, kung anuman ang meron sya ngayon.. At hnding hindi ko makakalimutan yung mga natutunan ko sa kanya.. Everytime na nagrereminisce ako, hindi na ko umiiyak.. Nangingiti na ko.. Palihim akong nagteThank you sa kanya.. Kasi kung hindi dahil sa kanya, baka iyakin pa rin ako ngayon..
Sa ngayon, ako naman, eto. Masaya. Totoong masaya. Minsan hindi natin kailangan ng ibang tao para makaramdam ng pagmamahal. Unang una, anjan ang pamilya natin na yayakap kapag nakikita nilang nahihirapan ka. Pangalawa, anjan yung mga kaibigan mo, na magpaparealize sayo na kahit ano pang katangahan yung nagawa mo, YOU are a GREAT person. At kahit ilang beses kang masaktan, may SURPRISE pa rin na naghihintay sayo.. Hintay lang.. Kapit lang.. Darating din yan..
Wag natin masyado didibdibin ang heart aches. Remember, hindi tayo magiging better person without them. Wag na wag kang magiging bitter, aminin mo sa sarili mo, no matter how bad the relationship has been, may natutunan ka. Always try to look to things at a different perspective. At tandaan mo palagi.. Every wrong person is a closer step in finding the right one.
Yung akin? Baka naman natraffic lang.