PART 12

8 0 0
                                    

Bakit ganito na ang usapan namin? Pareho ata kaming umaasa na may part 2 ang relationship namin? Oo. Kasi some days ago.. Nagkatext kami..

Hindi ko matandaan yung buong conversation. Basta ang sabi nya, may nararamdaman pa sya sakin. Hindi naman daw mawawala yun basta-basta. Pero sa ngayon, kailangan nya muna magfocus sa priorities nya..

Sapat na yun para magkaroon ako ng tapang. Tapang para malaman kung pareho ba kami na gusto ng part 2.

"Basta six years lang ah.." He said.

"Yes. Within six years dapat wag ka muna magpakasal, o magpapikot.." I laughed. Natawa rin sya..

"Pero pwede yung flings?" Biro nya. Hinampas ko sya sa balikat.

"Late na pala. Tara, uwi na tayo.." I stood up..

Pababa na ko ng hagdan ng tinawag nya yung pangalan ko.. Humarap ako ulit sa kanya.

"Pwede pa-hug?" Nakangiti niyang tanong. Nilapitan ko siya.. We hugged. Medyo matagal. Medyo mahigpit. Medyo..

"Tara na!" Bitaw ko na. Nauna na syang bumaba. Sumunod naman ako.

After nyan, para na rin kaming mag-boyfriend sa acts namin. Kulang na lang talaga e maging official. One day, sabi ng friend ko, "Okay na ba kayo ulit?" Mabilis na iling ang sagot ko. "Magkaibigan lang kami.."

Tapos sabi niya.. "Hindi ako naniniwalang may mag-ex na nagiging good friends after the relationship. Kasi feeling ko ang ibig sabihin nun, hindi nila minahal ang isa't-isa ng totoo.."

Natahimik na lang ako.. Kung alam lang nila..

Madalas na kaming magkita. May mga saturdays pa na nanonood kami ng sine sa Isetann o sa SM Centerpoint, tapos nakakauwi ako mga eleven na.

Akala ko magtatagal kami sa ganun. Masaya na ko during those days. Pero.. Hindi ata talaga time para sa aming dalawa..

A few days before my birthday, nag-Encounter sya. Yun yung stage na gustong marating ng mga Christian. Level up sa faith.

Pagkatapos ng encounter nya, he texted me.

"Daanan kita mamaya.. We have to talk.. "

Kinabahan ako. Is it happening again?

And yes. Nangyari na nga ang kinatatakutan ko.

How A Perfect Love Goes WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon