Part 1 - Kate Gwen

11.7K 329 8
                                    

******

Kasukuyang nag lalakad ako palabas
ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) hila hila ko ang
aking maleta, Habang palapit ako
sa lugar kung saan nandon ang
maraming taong, nag aabang din
sa kanilang mga mahal sa buhay.

Nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na mukha, naka ngiti ito, bakas ang tuwa sa mga mata kahit na ito'y hilam sa luha, at walang tigil sa pag kaway sa dereksyon ko.

Nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na mukha, naka ngiti ito, bakas ang tuwa sa mga mata kahit na ito'y hilam sa luha, at walang tigil sa pag kaway sa dereksyon ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Yaya pilar" tawag ko habang wala akong tigil sa pag kaway..

"Doon tayo mag kita sa bay 8"

Ngumiti ako at Nag lakad na patungo sa bay 8, nakita ko naman agad si yayang tumatakbo.

"Kate alaga ko hindi kita halos makilala ang ganda ganda mo lalo, aba'y kung hindi ka tumingin sa akin at ngumiti iisipin ko na isa kang artista, mas lalo kang maganda sa personal kesa sa video-videocall na yan,"

Kahit kasi sa London ako na nirahan
ng matagal na panahon ay madalas parin akong nakikipag communicate
sa pamamagitan ng skype.

"Yaya Pilar sobrang na miss po kita parang hindi po kayo tumatanda,"

Niyakap ko si yaya ng sobrang higpit.

"Naku iha kalabaw lang ang tumatanda" biro pa nito.

Pero hindi ko parin inaalis ang pag kakayakap ko sa matandang na miss
ko ng sobra, kapwa pa kami hilam sa aming mga luha.

Hanggang may tumigil sa tapat namin na isang Honda CRV, agad na bumaba doon ang may edad na lalaki.

"Good afternoon po Señorita kate"
sabi ng medyo may edad ng lalaki.

"Iha si karding nga pala driver nyo, saka sya yung sinasabi ko sayo na naging asawa ko."

"Kamusta po mang karding"
Inilahad ko ang aking mga kamay
para mag pakilala dito.

Atubili pa itong tanggapin ng matanda,

"Mabuti naman po señorita ang galing -galing nyo pong magtagalog," nahihiya pang sabi nito.

"Sa bahay po kasi tagalog ang salita namin ng mga pinsan ko."

"Halika na sa loob ng sasakyan
dun na natin ituloy ang kwentuhan,"
sabi ni yaya, habang si mang karding
ay isa-isang nilalagay sa likod ng sasakyan ang mga malate ko.

Kay Tagal Kang Hinintay (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon