Part 19 - Eyes

5.6K 195 19
                                    

******

"Bff tulaley ka na naman dyan?
Huwag mo na munang isipin si
Kate." Nag aalalang paalala na
naman sa akin ni Amanda.

Nakalapit na pala ito sa table ko ng hindi ko namamalayan, naka tingin
na naman kasi ako sa pinto ng office
nya.

Ilang araw na kasi syang hindi pumapasok simula ng maaksidente daw ito isang araw bago ang aming monthsary.

Sa totoo lang gustong-gusto ko sana syang dalawin sa bahay nila kaso sabi ni Carlos ok na naman daw ang ate
nya huwag na daw akong mag alala
at papasok na daw ito kapag ok na ok na.

Kabilin-bilan daw kasi ng Doctor
na mag pahinga daw muna ito ng mabuti at huwag na huwag munang mag iisip, lalong lalo na kung makaka stress daw ito sa pasyente.

Gusto ko sanang magalit or mag
tampo kay Kate dahil gf nya ako
pero parang hindi nya ako kailangan
sa tabi nya gayong nasaktan ito.

Diba dapat sa mga ganong pag kakataon yung mahal mo sa buhay ang dapat na nasa tabi mo? Hindi
ba nya ako mahal? Bakit ni isang tawag hindi ako nakatanggap
sa kanya?

Bagkus ay isang simpleng txt lang
ang na receive ko.

I'm ok don't worry

See saklap naman oh! Wala man
lang i love you and i miss you.

Hayyyyy...

Napalakas yata ang buntong hininga
ko kaya naman boses na naman ni Amanda ang nagpa balik sa ulirat ko.

"Ano na naman ba yan Chloe?" Nakapamewang na sigaw ni Amanda.
Para na akong maiiyak dahil sa mga naiisip ko.

"Bff kung totoong ok na si Kate bakit pakiramdam ko'y may tinatago sila sakin? Bakit ayaw akong payagan
ni Carlos na dumalaw sa bahay nila? Pati si Sir Brann kapag tinatanong
ko parang nag ta-tongue twister
dahil bulol-bulol sa pag sasabi ng
alibi nya, naguguluhan na ko bff pakiramdam ko may tinatago
talaga sila sakin."

Sure na sure ako sa hinala kong to', dahil ni minsan ay hindi nag kamali
ang instinct ko pagdating sa mga ganitong bagay.

"Hay naku bff sige para matigil na yang pag hihinala at pag aalala mo,
e-surprise natin sya sa bahay nila mamaya, ano? Ok ka na ba don?" Kahit na medyo naiinis nagawa pa nitong ngumiti ng alangan at kalmado na din ang boses nito.

"Yes bff thank you" nakangiting
sagot ko na din.

Agad na syang nag punta sa table
nya, hindi ko na malayan na matagal na pala akong nakatingin sa bff kong to', napa ngiti naman ako habang inaalala ko nung mga bata pa kami
ni Amanda.


******

Flashback...

"Alam mo lagi kitang nakikita dito? Ikaw ba nag tanim ng punong to?"

Agad akong napatingin sa dalagitang nag tanong, kasalukuyan na syang nakaupo sa tabi ko. Kung hindi ako
nag kakamali ay mag kasing edad
lang kami.

"Palabiro ka? Bata pa ako noh? Eh mukhang panahon pa ng lolo ko ang punong yan." Sabi ko ng nakangiti.

"Biro lang ang seryoso mo kasi,
ako nga pala si Amanda 13 years
old, ikaw anong pangalan mo?" Inilahad nya ang kanang kamay para makipag kilala.

Kay Tagal Kang Hinintay (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon