Part 25 - Confession

5.7K 203 4
                                    

******

After ng dinner ay inihatid ni
Carlos si Clarease sa apartment nya, nagpasya akong hintayin sya para makapag usap din kami, kumuha
muna ko ng wine at dalawang glass, pumuwesto ako sa gilid ng pool,
para kapag dumating na sya ay agad
ko syang makikita.

Tinampisaw ko muna ang paa ko
sa pool, habang umiinom ng wine, nakaka relax sa pakiramdam yung lamig ng tubig na nang gagaling dito, nababawasan kahit papaano yung
kabang nararamdaman ko.

Maya-maya lang ay dumating na
din sya, nakita naman nya agad ako kaya agad din syang lumapit sakin, pinapakiramdaman ko lang kung anong gagawin nya.

Sa gilid ng aking mata ay nakita kong kumuha din sya ng glass at sinalinan din yon ng wine, umupo sya sa tabi
ko at tinampisaw din yung paa nya
sa pool, nakatingin sya sa kawalan
na parang ang lalim-lalim ng iniisip.

"Alam mo ba baby bro kung bakit ayaw kong tinatawag akong Gwen after ko magising sa Hospital?"
Basag ko sa katahimikan.

Tahimik parin sya, alam kong handa syang makinig sa lahat ng gusto kong sabihin, sa tingin ko kasi karapatan nyang malaman lahat-lahat, lalo na ngayong nakita na namin si Clang.

"Bago ako nawalan ng malay
nung naaksidente kami ni mommy, paulit-ulit nyang tinatawag ang pangalan ko, at kahit sa panaginip
ko naririnig ko ang boses nya at paulit-ulit nyang sinasabi ang Gwen,
nakukunsensya ako baby bro, dahil sakin nawala agad si mommy, at pakiramdam ko ang selfish-selfish
ko, pinagkait ko sayo ang isang ina, dahil lang sa napaka makasarili ko."

Pinipigilan ko yung luhang nag babadyang umagos sa mata ko,
gusto kong matapos itong pag uusap namin ng hindi na ako umiiyak, pakiramdam ko kasi ang weak-weak ko, at mas matapang pa itong kapatid kong bunso.

"I'm sorry baby bro, kung weak si
ate, and i'm sorry din kasi masyado akong naging agresibo sa pag tatanong kay Clan-- i mean kay Clarease, gusto ko lang talagang malaman kung anong magiging reaction nya kung maririnig nya
yung pangalang Gwen."

"Ate alam mo namang sa una
palang hindi ka naman namin sinisi
ni daddy, bata kapa non tsaka hindi mo naman yon kagustuhan, ikaw
nga yung inaalala namin ni dad
nung time na yon, nagka troma ka
at sarili mo ang sinisisi mo na dapat hindi naman, hindi ka weak ate at napatunayan mong matapang ka kani-kanina lang." Nakangiti na
nyang sabi.

"Hmm what do you mean?" Naka kunot noong tanong ko.

"Nasabi mo kay Clarease yung first name mo te, tsaka na dala mo yung sarili mo ng maayos, hindi mo pinahintulutan na mangibabaw sayo yung nararamdaman mo, bagkus ay naging natural ka sa harapan nya."

Minsan talaga nag tataka ko sa
kapatid kong 'to, saan nya nakukuha yung mga salitang lumalabas sa bibig nya, napaka matured na mag isip.

"Baby bro aaminin ko sayo unang
kita ko pa lang kay Clarease iba na yung feeling ko, sa mata at sa buhok palang may similarity sila ni Clang,
at lalong lumakas yung hinala ko nung nalaman kong ulila na sya at taga bulacan pa, alam mong matagal ko syang hinanap diba?"

"I know ate, nung naging friend ko sya at nakapag tanong din about sa background nya, nagka idea din
ako na baka sya nga si clang na hinahanap mo ate, nung una wala naman talaga kong nararamdaman sa kanya pero nung nag tagal na nadevelop na din ako, masarap
syang kasama ate sa kanya ko lang naramdaman yung excitement na hindi ko naramdaman sa iba, pero pilit ko paring pinag labanan yung nararamdaman ko, paano na lang kung sya nga talaga si clang-clang,
eh di nag away pa tayo dahil lang
sa iisang babae ang minahal natin ang epic naman yata non."

Kay Tagal Kang Hinintay (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon