Walang ginawa ang batang si clang-clang kundi mag hintay sa kaibigang si Gwen. Nangako ito
na babalik agad.
Hanggang sa namatay na ang kanyang ama at naiwan nalang
syang mag isa ay wala paring
Gwen na nag pakita.
Labing dalawang taon ang mabilis...
Kitang kita ko kung paano naibuga nung babae sa comfort room, yung tubig mula sa bibig nito, mukhang nagulat ito ng marinig na ako ang papalit kay daddy sa pagiging CEO ng BCC, imbes na magalit ako dito ay na cute-tan pa ako.
Sa pag ka bigla ko ay nilapitan ko ito at balak ko sana syang e-tease, nag alinlangan lang ako dahil nasa harap kami ng mga empleyado, pinunasan ko yung tubig sa bibig nya gamit yung panyong ibinibigay ko sa ka nya kanina.
Kanina sa CR ay hindi ko naman balak na dilaan ang gilid ng labi nya, parang may nag bulong lang sa akin na gawin ko yon, hindi naman ako nag sisi dahil ang bango ng hininga nya para nga itong baby sa bango.
"Ate ang lalim naman ng iniisip mo?" Pukaw ni Carlos sa pag iisip ko.
"Shut up Carlos or else?" Banta ko.
"Or else what ate?" Sabay kindat nito.
Pinanlakihan ko nalang sya ng mata, hindi ako makalaban ng asaran sa ka nya dahil nandito pa kami sa BCC mukha pa namang kagalang-galang ang kapatid kong ito sa suot niyang Business Suit.
Sa loob ng isang buwan na pag e- stay ko dito sa pilipinas ay nalaman kong makulit ang kapatid kong ito, hindi halata sa itsura nya dahil mukha itong istrikto.
Kanina sa buong staff kami pinakilala ni daddy. Ngayon naman ay sa buong Board of derectors, kabilang na dito ang acting COO na si Mr.Tan, si Mr Ching kasi ang COO ni daddy, silang dalawa ang nag palago nito, ofcourse mas malaki ang invest ni daddy kaya sya parin ang lihitimong may ari nito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nakilala ko ang mga head ng bawat building, bawat building ay may kanya-kanyang namumuno, pinaliwanag sa akin lahat ng pwede nilang ipaliwanag ngayong araw na to'.
Madali ko namang naintindihan lahat ng yon. Nag tapos ako sa london ng Business Administration, Major in Financial Management. Alam ko kasing pag dating ng panahon ay kami ni Carlos ang hahawak ng BCC.
Kami nalang ni Carlos ang naiwan sa Conference room, pumunta naman si daddy sa office nya may mga papeles pa daw itong argent na pipirmahan, nakita ko naman na nililigpit na ni Mrs Reyes ang mga papeles na ginamit namin kanina.
"Mrs Reyes ano po ang pangalan nung babaeng naibuga yung tubig?"
"Ahhh Ehhhh! Ma'm ano po---"
Alin langan pa itong sumagot akala yata ay tatanggalin ko sa trabaho.
"Dont worry po hindi ko sya aalisin, gusto ko lang malaman yung pangalan nya saka yung posisyon nya dito sa kompanya." Pag aassure ko.
"Ms Chloe Buenavista Ma'm accounting department." Nakangiting sabi nito.
"Thank you po, pakisamahan naman po kami sa office ni dad." Magalang kong pakiusap dito.