Part 21 - Sex and Run

7K 210 45
                                    

******

Anong problema nya at may paiyak-iyak pa. Bulong ko sa sarili ko.

"Ano kamo?" Tanong ni Jay na nakatingin pala sa akin.

"Ang sabi ko bakit sya biglang
umalis at may paiyak-iyak pa."
Sabi ko na bakas parin sa boses ko
ang pag tataka.

"Baka may naalala sya bigla
about sa love life nya."
Painosenteng sagot nito na akala
mo'y wala talagang alam.

Napatingin naman ako kay sir
Brann na nakatingin din pala sa
gawi namin, mukhang seryoso ito
at mukhang malalim ang iniisip.

Dumating na yung order namin,
medyo nagulat yung waiter dahil kulang na kami ng dalawa, sumunod din kasi si Carlos sa ate nya after
nitong mag walk-out.

"Let's eat" Mababakas parin sa
boses ni Sir Brann ang matinding
pag aalala kahit na nakangiti na ito.

Naubos namin yung pagkain ng
walang nag salita isa man, hindi ko alam kung affected lang ba kami sa
pag wo-walk-out ni Kate, at sa seryosong mukha ni Sir Brann,
or masarap lang talaga ang food nila.

"So saan nga kayo nag ka kilala ni Chloe pare" panimula ni Sir Brann
me-ma sabi lang.

Uminom muna si Jay ng Juice bago
sya nag salita.

"Katulad nung sinabi ko kanina, sa isang park malapit sa company na pinapasukan nya, after nya kasi umiyak inaya ko syang mag lakad-lakad kami, hanggang sa hinatid
ko na sya sa bahay nila."

Tumango-tango naman si Sir Brann pagka rinig sa mga sinabi ni Jay, parang may gusto pa itong itanong pero hindi na lang ulit nag salita pa.
konting kwentuhan at kulitan ay nag pasya na kaming umuwi.

Babayadan na sana ni Jay yung
bill namin ng agawin yon ni Sir
Brann, Hindi daw sya makakapayag
na si Jay ang mag bayad dahil sya
daw ang nag imbita sa amin.

After non ay nag sabi si Amanda
na sa amin na lang daw sya makikisabay tutal naman daw ay pareho kami ng lugar, hindi naman
nag pilit si Sir Brann uwi na lang
daw sya para ma check si Kate kung
ok lang daw ba ito.

"Ang galing ng speech mo kanina
sa resto pinsan, saang soap opera
mo napanood yon?" Natutuwang tanong ni Amanda na may kasama pang pag tapik sa balikat ng pinsan nyang si Jay.

"Effective naman diba? Tignan mo tinamaan sya, eh di nag walk-out, dapat lang sa ka nya yon, ano yon bigla-bigla na lang nya iiwan na parang basahan itong si Chloe
purket may iba na sya, napaka
unfair nya, kahit isa syang dyosa
sa ganda hindi ko sya patatawarin." Natutuwang sabi nito pero hindi naman inaalis ang mga mata sa unahan.

Tumahimik na lang ako habang
panay ang kwentuhan nilang mag pinsan, sa totoo lang kahit ako nag tataka bakit sya umasal ng ganon.

Kung hindi ako nag kakamali parang nag seselos sya nung nalaman nyang may ka date ako, tsaka yung mga mata nya hindi nya inaalis sa magkapatong naming kamay ni Jay.

Natuwa din naman ako dahil hindi
ko naman inasahan na sasabihin
at gagawin yon ni Jay. Nung mga
araw na broken ako at iyak lang ng iyak, ay pinakilala ni Amanda si Jay
na pinsan nga daw nya from baguio.

Sinusundo nya kami ni Amanda at inaaya nya kaming mag lakad-lakad parang pasyal na din, nakita nga
namin yung park na medyo may kalayuan sa Company, para kaming mga bata na nag swi-swing at puro kwentuhan lang at pagkain ng ice cream ang ginagawa.

Kay Tagal Kang Hinintay (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon