Part 2 - Chloe

10.2K 341 55
                                    

*****

Phone ringing ...

Nagising ako sa tunog ng phone
ko, kinapa-kapa ko ito, ng hindi ko iminumulat ang mga mata ko.

"Hello sino to?"
Tanong ko sa inaantok na boses.

"Chloe huwag mong sabihin sakin
na tulog ka pang babae ka?"

Boses ni Amanda habang ngumunguya, sa kabilang linya.

"Pwede ba Amanda lunukin mo
muna yang kinakain mo bago ka
mag salita," sabi ko sa naiiritang
boses, pero hindi parin nakabukas
ang mga mata ko.

"Ikaw talaga hindi na nasanay
sakin, bumangon kana dyan at
alam mong kailangan nating pumasok ng maaga, Bilisan mo
ang kilos, mag kita nalang tayo
sa office."

Call ended...

Hindi na ako hinintay makapag
tanong ng bruha kung bakit hindi
kami sabay papasok ngayon.
doon naman ako biglang nagising.

"Shit kailangan nga pala namin pumasok ng maaga ngayon,
sa dinami-dami ng araw na pwede akong tanghaliin ngayon pa talaga."

Dali-dali na akong bumangon,
at niligpit ang kumot at unan na ginamit ko. Dumeretcho muna ako
sa kusina para mag timpla ng kape, umupo na ako sa mesa para mag almusal.

May nakahanda na akong loaf
bread, kinuha ko ang peanut butter
sa ibabaw ng mesa at nilagyan ko
ng palaman ang tinapay.

Pagkatapos kong maligo ay mabilis
na akong nag bihis, kulay cream na slack at long sleeve polo ang kinuha
ko, nilabas ko ang favorite high heels ko.

Sinosoot ko lang ito kapag importante ang lakad na pupuntahan ko.
At ngayon nga ang importanteng
araw na yon. Pag katapos kong mag ayos ay mabilis na akong pumara ng taxi.

"Sa BCC  po tayo sa makati,"
sabi ko sa driver.

Buencamino Ching Company,
yan ang opisinang pinag lilingkuran
ko. isa akong dakilang  CPA si
Mr. Rodolfo Buencamino ang may
ari ng companya.

Ngayon na nya ipapakilala sa
buong staff ang anak nya na papalit daw sa ka nya sa pagiging CEO
pag handa na ito.

Mabait sa mga empleyado si
Mr Buencamino, nakaka pang hinayang lang kung ang papalit dito
ay hindi kasing buti nito.

Sa dalawang taon kong pag lilingkod
ay wala akong nakita ni isang kasamaan ng ugali sa matanda.

"Nandito na po tayo miss,"
pukaw ng driver sa akin.

Tinignan ko ang metro at nag
bayad na din. Lakad takbo ang
ginawa ko makarating lang sa loob
ng building.

Meron itong labing limang palapag,
Pinindot ko ang 10 floor sa elevator
at mabilis na itong sumara, doon
kasi gaganapin ang meeting.

Ding....

Pag bukas ng elevator ay mabilis na akong nag lakad pa punta sa comfort room, mag reretouch muna ko may
10 mins pa naman bago mag simula ang meeting.

Kay Tagal Kang Hinintay (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon